Full land reform in 2016 not possible – KASAMA TK

June 6, 2012

A press release from KASAMA TK’s Facebook.

Militant peasant federation Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK) slams Palace declaration that a full land reform will be implemented as Aquino steps down in power in 2016 through the Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPER).

“That’s next to impossible!” according to Axel Pinpin, secretary general of Kasama-TK, adding that “the Aquino-Cojuangco family shows no clear signs of sincerity to distribute the Luisita estate among tenants and farm workers.”

The group expresses doubt on Budget Secretary Florencio Abad’s optimism on the eyed success of 24-year old land reform program and raises concern that landlessness might grow even worse because of the fast growing difference between the rate of land use conversion and re-concentration and with the current DAR administration’s rate of acquisition and distribution of “CARPable” land in the region.

“This pronouncement is a mere showoff to accommodate pseudo-farmer organization’s media mileage to further lure peasant masses into reformism and provide opportunity for the landlord government to pose as champion of democratic reforms by playing this all too predictable skit where farmers air grievance, Malacanang opens door, government promises, farmers go straight home, hence “problem” is solved without changing a bit in the current social order,” Pinpin illustrates.

Pinpin stressed further that “this statement clearly sends the message that landowners’ interest would remain unscathed under the Aquino Administration, an assurance that no land will be distributed until or even after 2016 as long as CARP remains the framework of reform and the Genuine Agrarian Reform Bill is not passed into law.”

“But for the militant peasant organizations, it has been quite clear that we cannot count on CARPER but only on our collective strength to boldly initiate genuine land reform through organized occupation of disputed vast estates for the benefit of poor peasants and farm workers and this form of struggle is slowly becoming the main trend in rural communities as the peasant masses have completely rejected the moribund land reform program despite continuous harassment by private armies and state security forces,” according to Orly Marcellana, convenor of Save Bondoc Peninsula Movement.

“CARP has had 24 years and billions of funds to bring about real changes for the peasant masses. It distributed only about 10% of all CARPable land these past two years of its extension, now it dreams to distribute the remaining 90% in two years? Bogus CARP is the longest running land reform in the world and is bound to fail over and over again,” the group declares in a statement.

Hoping for land reform beyond 2014 is just too much for farmers fighting for this cause for the past 24 years and as much as we are sure of the possibility that CARPER won’t be able to deliver its promises, Aquino might also find it possible to see his term end earlier than expected,” Pinpin ended.#

Advertisements

Kundenahin ang panibagong crackdown sa mga progresibong samahan sa Southern Tagalog! –KASAMA-TK

PANIBAGONG CRACKDOWN SA MGA PROGRESIBONG SAMAHAN SA SOUTHERN TAGALOG

Axel Pinpin, a peasant leader and a nationalist poet.

Sa Abril 28 ay ika-6 na taon ng pagdukot sa pangkalahatang kalihim ng Kasama-TK na si Axel Pinpin at apat (4) pa niyang kasamahan sa Tagaytay City ng mga di-kilala at armadong kalalakihan na kalaunan ay makikilalang mga elemento ng Naval Intelligence Security Force at Police Regional Office-CALABARZON.

Tatlong (3) gabi at dalawang (2) araw silang itinago, tinortyur at ininteroga bago iniharap sa media bilang mga top ranking officials ng New People’s Army na diumano’y nakikipagsabwatan noon sa mga rebeldeng sundalo ng grupong Magdalo, na pinamunuan ng ngayo’y Senador na si Antonio Trillanes, para pasabugin daw ang magaganap na rali sa Mendiola sa Pandaigdigang Araw ng mga Manggagawa.

Mayo 5 na nang dalhin sa korte sina Axel Pinpin at sinampahan ng kasong Rebelyon.

Pagkalipas ng 28-buwan, na-dismiss ang kaso at pinalaya sila dahil ayon sa Regional Trial Court Branch No 18 sa Tagaytay City ay hindi sapat ang ebidensya para patunayan ang ipinaparatang ng estado kina Axel Pinpin at mga kasamahan niya.

Alex Arias, chairperson of Pagkakaisa't Ugnayan ng mga Magsasaka sa Laguna.

Abril 7, ilegal na inaresto si Alex Arias, tagapangulo ng PUMALAG (provincial chapter ng Kasama-TK sa Laguna) ng elemento ng 1st Infantry Batallion ng Philippine Army. Isinasangkot siya at ang apatnapu’t dalawa (42) pang pangalan sa kasong Kidnapping with Murder kay PFC Eriberto Eclaveao ng Philippine Army at isa pang alias Ka Troy na diumano ay naganap noong Mayo 27, 2007.

Ang kaso ay isinampa sa Mauban, Quezon at tinanggap ng Asst Provincial Prosecutor na si Joel Angelo Putong. Nasa RTC Branch No 64 ngayon ang kaso sa ilalim ni Judge Rodolfo D. Obnamia, Jr.

Bago ito, noong Abril 3, ilegal ring inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-PNP) si Reynante Gamara. Ang warrant of arrest niya ay kaparehong mandamyento de aresto na ginamit kay Alex Arias.

Sa testimonya ng witness na si Erwin Rosales, diumano’y rebel returnee, isinasangkot niya ang mga pangalang: Rosemarie Domanais, Tirso Alcantara, Dionisio Almonte, Romel Riza, Alex Arias, Raul Razo at Andrea Rosal, at tatlumpu’t anim (36) pang pawang mga alyas.

Kabilang sa Warrant of Arrest at bahagi ng testimonya ng testigo ang pagbanggit sa pangalang “Ka Axel”.

Bukod sa katawa-tawa, higit na nakakapangamba ang ganitong kabobohan ng umiiral na judicial process sa bansa dahil sa ginawang pagtanggap ng korte sa mga pangalang pawang alyas bilang mga akusado sa isang krimen.

Lumalabas ngayon na sinumang magustuhan ng estado na arestuhin dahil pinaghihinalaan siyang gumagamit ng ganitong alyas o nagkataong ito ang tunay nyang pangalan — ay hindi na ligtas sa nabanggit na kasong Kidnapping with Murder.

Typographical error man o malisyosong sinadya ang paggamit sa pangalang “Ka Axel” — mariing kinukondena ng KASAMA-TK ang panibagong gawa-gawang kasong ito na sa katutohanan ay tumatarget sa mga progresibong samahan at lider sa rehiyon ng Southern Tagalog at buong bansa.

Kung pahihintulutan ng Korte ang ganitong buktot na pakana ng PNP at AFP, tiyak na magmumukang karnabal ng mga pasistang payaso at komikerong hukom ang mga korte sa bansa. Halimbawa, kung isasangkot si Axel Pinpin dahil kikilalanin ng korte na siya rin ang “Ka Axel” sa kasong nabanggit, kasalukuyan siyang nakakulong sa Camp Vicente Lim noong mangyari ang sinasabing pangingidnap at pamamaslang.

Ganitung-ganito rin ang maitim na disenyo ng pagsasampa sa gawa-gawang kaso laban sa ST-72 na na-dismiss na rin noong nakaraang buwan.

Kailangang alalahanin din ang ginawang pakyawang pag-aakusa sa 27-indibidwal sa probinsya ng Batangas noong 2008 at ang 62-indibidwal sa lalawigan ng Rizal noong 2009. Pawang na-dismiss ang mga nabanggit na kaso.

Kung gayon, kailangang kagyat na ibasura ng RTC Branch No 64 sa lalawigan ng Quezon ang gawa-gawang kasong ito upang matigil ang mga ilegal na pag-aresto at pagbibilanggo sa mga inosenteng sibilyan. Kailangang higit na maging mapagbantay ang mamamayan sa maruming pakana ng pasismo ng gobyerno na nakakubli sa ilalim ng Oplan Bayanihan ng Armed Forces of the Philippines.

PALAYAIN SI KA ALEX ARIAS AT REYNANTE GAMARA! PALAYAIN ANG LAHAT NG BILANGGONG POLITIKAL!

KUNDENAHIN ANG PANIBAGONG CRACKDOWN SA MGA PROGRESIBONG SAMAHAN SA SOUTHERN TAGALOG!

KARAPATAN NG MAMAMAYAN, IPAGLABAN!

__________

Dagdag na Tala:

Mga alyas na nasa Warrant of Arrest:

Kuba, Ces, Alex, Louie, Fay, Nick, Buth, Boyong, Mike, Gerald, Jing, Bibet, Nomer, Sergio, Mark, AJ, Ramon, Benhur, Anton, Jerry, Bitoy, Rico, Memong, Philip, Sandra, Jomel, Olive, Boy, Seven, Iloy, Bing, Ronron, Regie, Sarim, Axel, Arly