PAGBATI SA MGA BAGONG ISKOLAR NG BAYAN SA UPLB: Alamin ang mga isyu, Ipaglaban ang ating karapatan!

 

Binabati natin ang lahat ng mga bagong iskolar ng bayan sa Unibersidad ng Pilipinas Los Banos! Kaakibat ng karangalang makapasok sa isa sa pinakaprestihiyosong pamantasan sa bansa ay ang hamon at tungkulin na makinig, matuto at makisangkot kaugnay ng mga mahahalagang isyu sa loob at labas ng pamantasan – sapagkat ang pagkatuto ay hindi lamang sa loob na apat na sulok ng silid-aralan, sapagkat kalakip ng pagiging mga iskolar ng bayan ay ang dakilang tungkuling paglungkuran ang sambayanan!

Alamin natin ang mga latest issue sa loob at labas ng UPLB, ating suriin at alamin kung ano ang ating mga karapatan!

 

Issue #1: Budget cut sa edukasyon at serbisyo, pondo para sa dayuhan at iilan hindi sa mamamayan

Ipinasa ng rehimeng US-Aquino  ang pambansang badyet na pumondo sa pagbabayad ng dayuhang-utang (P357 B, interes pa lang), sa militar (P107.9 B), korapsyon (P24.12 B pork barrel) at mga hungkag na proyekto tulad ng Conditional Cash Transfer (P30.9 B) at Public-Private Partnerships (P22.1 B), ngunit nagbigay ng kakarampot sa mga batayang serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon ( P238.8 B sa basic education at P21.9 B sa SUCs), pabahay (P5.6 B) at serbisyong-pangkalusugan (P44.4 B).

Nakasaad sa Article 3, section 14 ng Saligang Batas: “The State shall protect the right of all citizens to quality education at all levels and make appropriate actions to make such education equally accesbile to all.” Ang edukasyon ay kaparatan, hindi pribilehiyo. Karapatan nating igiit sa gubyerno na ilaan ang pondo hindi para sa dayuhan at iilan kundi sa sambayanan.

 

Issue #2: kolonyal, komersyalisado at reaksyunaryong edukasyon

Bunga ng maka-dayuhan at kontra-mamamayang pambasang badyet ng Rehimeng US-Aquino, nagsimula ang bagong taon ng pasukan ng dambuhalang suliranin sa sektor ng edukasyon: 152,000 kakulangan sa silid-aralan, 13 milyon sa upuan, 135,000 sa palikuran at 96 milyon sa aklat.

Kaliwa’t kanan pa ang mga porma ng pagkomersyalisa sa edukasyon, kung saan pinakatampok ang pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin ng 267 pamantasan sa humigit-kumulang 10%.

Bunga ng ganitong kalunos-lunos na kalagayan, 80% ng mga estudyanteng nasa edad 11-15 taon ang hindi na nakakatuloy sa pagpasok sa eskwela (drop-out rate). Nasa 80% din ng mga estudyante sa kolehiyo ang hindi na nagsisipagtapos. Sa ngayon, 8 milyong kabataan ang hindi man lang nagkaroon ng pagkakataong makatapak sa pamantasan.

Kakambal pa ng mga ito ang patuloy na pagsahol ng katangiang kolonyal ng edukasyon sa pamamagitan ng programang K to 12 ng DepEd. Ang disenyong 12 taong batayang edukasyon ay, sa katunayan, halaw sa Bologna Accords ng European Union at Washington Accords ng US. Sinasaad ng dalawang kasulatang ito na ang mga magtatrabaho sa ibayong dagat ay kailangang nakapagtapos ng 12 taong batayang edukasyon, ayon na rin ito sa dikta ng mga dayuhang multi-national corporations. Ibig saibihin, ang K to 12 ay binalangkas hindi upang tugunan ang disempleyo sa bansa o itaas ang kalidad ng edukasyon tulad ng pinalalabas ng gobyerno.

Isulong ang edukasyong siyentipiko, maka-masa at makabayan. Siyentipiko dahil nais nating isulong ang edukasyong naglalahad ng katotohanan at nagwawaksi sa mga pagtinging walang batayan. Makabayan dahil nais natin ng edukasyong nagsisilbi sa interes ng ating bayan at hindi ng dayuhan. Maka-masa dahil nais nating ang edukasyon ay nakakamit ng mahihirap at tumutugon sa kanilang pangangailangan at hindi sa iilan lamang.

 

Issue #3: Panggigipit sa mga lider-estudyante at pagyurak sa ating demokratikong karapatan

Tatlong buwan nang nakabinbin ang proklamasyon ng nanalong Tagapangulo ng Konseho ng Mag-aaral na si Ynik Ante ng Samahan ng Kabataan para sa Bayan matapos hindi kilalanin ang kanyang pagkapanalo dahil siya ay naka-promissory note. Isa itong malinaw na pagyurak sa integridad ng eleksyon at desisyon ng mga estudyante. Isa lamang ito sa napakaraming represibong hakbang at polisiyang iniwan ni Vivian Gonzales, ang dating direktor ng Office of Student Affairs at isa ring reserved colonel ng Philippine Army. Ilan sa mga kabang at polisiyang ito ay tambayan phaseout, suspension ng mga lider-estudyante, pagbabawal na maglunsad ng mga aktibidad pagkalipas ng oras ng klase, pagbabawal sa freshman na sumali sa organisasyon, panghihimasok sa operasyon n gating konseho at publikasyon, at iba pa.

Isang porma ng panggigipit sa mga estudyante ang hindi pagproklama kay Ante. Ang panggigipit na ito sa ating Konesho ng Mag-aaral ay hindi dapat pinahihintulutan. Ang ating konseho ay pinakamataas na gubyerno ng mga iskolar ng bayansa pamantasan, isang konsehong pinagbuwisan ng buhay-at-kamatayang pakikibaka ng libu-libong estudyanteng nauna sa atin. Ang Konseho an gating sandigan para sa karapatan sa edukasyon at kakampi para isulong an gating mga demokratikong adhikain.

 

***

 

Nananatiling kolonyal, komersyalisado at reaksyunaryo ang edukasyong Pilipino dahil walang makabuluhang pagbabago ang aasahan mula sa Rehimeng US-Aquino. Nananatili kasi itong kontrolado ng dayuhan at dominado ng iilang panginoong maylupa at malalaking burgesya komprador na mayayaman at makakapangyarihan.

Ang ating panawagan: Pambansang Demokrasya! Ang pambasang demokrasya ang paninindigang isulong ang pambansang kalayaan at paglaya ng bawat mamamayang inaapi at pinagsasamantalahan. PAMBANSA dahil nais nitong igiit ang pambansang soberanya. DEMOKRATIKO dahil nais nitong ipaglaban ang dmeokratikong interes at karapatan ng mayorya ng sambayanang Pilipino – ng mga magsasaka, manggagawa, propesyunal, estudyante, maliliit na negosyante, minorya, kababaihan, at iba pang demokratikong sektor.


Discussion guide on the 2012 SUC budget

Labanan ang budget cuts sa edukasyon at serbisyo!

August 2011

Mula sa Facebook acocunt ni G. Vencer Crisostomo, Pambansang Tagapangulo ng Anakbayan.

Muli na namang kinaltasan ng administrasyong Noynoy Aquino ang pondo ng mga state universities and colleges (SUCs) sa budget proposal nito sa Kongreso para sa susunod na taon.

Sa P1.816 trilyong pondo sa National Expenditure Program (NEP) 2012, P21.8 bilyon ang ilalaan para sa mga SUCs, mas mababa sa P22.03 bilyong naipasa noong 2011.

Kabi-kabilang kaltas

Matapos kaltasan ng mahigit P1 bilyon ang operations budget ng mga pamantasan noong nakaraang taon, limampung SUC ang may pinagsama-samang kaltas na P569.8 milyon sa mga kabuuang pondo nito para sa 2012.

Apatnapu’t-limang paaralan ang kinaltasan ng maintenance and other operating expenses (MOOE) ng  P250.9 milyon. Dapat ay awtomatikong tataas ang pondo para sa Personal Services (PS) dahil sa isinabatas na pagtataas ng sweldo ng mga kawani ng pamahalaan. Sa halip, kinaltasan pa nga ng PS ang 58 na mga pamantasan na aabot sa P403.3 milyon.

Ang mga bahagyang tumaas ang alokasyon ay napakaliit naman ng idinagdag. Sa marami, ni hindi mababawi ang kinaltas na pondo noong nakaraang taon at napakalayo din sa aktwal na pangangailangan ng mga pamantasan. Wala pa sa kalahati ng mga mungkahing pondo ng mga SUCs ang inapruba ng DBM.

Sa kabila ng bulok na mga gusali, pasilidad at napakaraming mga hindi na maaccomodate na mga mag-aaral sa mga SUCs, nanatiling wala kahit isang kusing na inilaan ang gubyerno para sa capital outlay o paggawa ng bagong mga gusali at mga klasrum.

Patuloy ng pagpapabaya at pagkokomersyalisa

Matatandaang kinaltasan na ng gubyernong Aquino ang pondo para sa SUCs noong nakaraang taon. Ang panukala nito na P1.1 bilyon na kaltas sa MOOE ng mga pamantasan ay hinarap ng pambansang strike ng mga mag-aaral, guro, at administrador ng mga SUCs. Dahil sa sama-samang pagkilos, naibalik ang ilang bahagi ng pondong kinaltas.

Ang panibagong pagkaltas sa pondo ay pagpapatuloy ng patakaran ng pagpapababa ng pondo ng mga SUCs at edukasyon, pag-aabandona ng gubyerno sa tungkulin nitong pag-aralin ang mamamayan. Kasabay ng pagkakaltas ng pondo, itinutulak ang komersyalisasyon: pagtaas ng mga bayarin at pagpapapasan nito sa mamamayan.

Simula 2001, bumaba ang tunay na halaga ng alokasyon ng gubyerno sa SUCs mula P15.6 milyon tungong P14 milyon noong 2010. Sa kabila ito ng paglaki ng mga mag-aaral sa SUCs at pagdami ng mga programa.

Sa nakaraang mga taon, pababa ng pababa ang bahagdan ng inilalaang pondo ng gubyerno para sa pagpapaandar ng SUCs. Noong 2000, 87.74% ng pondo ng SUCs ay galing sa gubyerno, nasa 66.31% na lamang ito noong 2011.

Nasa SUCs ang mahigit 40% ng mga estudyante sa kolehiyo dahil na rin sa taas ng matrikula sa mga pribadong paaralan.

Tumataas naman ang kinikita ng mga SUC’s mula sa tuition at iba’t ibang mga bayarin. Mula sa kabuuang P1.5 billion isang dekada ang nakararaan, aabot ito sa mahigit-kumulang P7.7 billion sa 2011, ayon sa projection ng gobyerno. Ito ay bubuo sa mahigit 22.1% ng kabuuang budget ng mga SUC’s mula sa 8.3% lamang noong 2001.

Matatandaang noong 2006, nagtaas ang tuition fee ng UP nang 300%, na umaabot na ngayon ang matrikula sa mahigit P40,000 kada taon, mas mataas pa sa ilang malalaking private schools. Dagdag pa dito ang mga iskema ng komersyalisasyon at pagtataas ng matrikula gaya ng STFAP. Kaya naman kahit sa 3,826 na nakapasa sa UPCAT ngayong 2011, 1,300 o nasa 1/3 ay hindi nakapag-enroll sa UP Diliman.

Kasabay na itinulak ang pagtataas ng mga bayarin sa iba pang mga SUC sa buong bansa. Noong Marso 2010, tinangka ng administrasyon ng PUP na magtaas ng matrikula ng mahigit 2000% na pinigil ng mga protesta ng mga mag-aaral.

Itutulak ng higit na pagtataas ng mga bayarin ang pagdami ng mga hindi makakatapos o makakatungtong man lamang sa kolehiyo. Lalo nitong ipagkakait sa mas maraming kabataan ang karapatang makapag-aral. Ngayon pa lamang, 14% lamang ng mga pumapasok ng elementarya ang makakatapos ng kolehiyo.

Ang programang ito ay itinulak mismo ni Aquino sa kanyang budget message para sa 2011: “the government aims to gradually reduce subsidy to SUCs… (to) push them toward becoming self-sufficient and financially independent.”

Kung tutuusin, labag ito sa nakasaad sa Article XIV, Section 1 ng konstitusyon na nagsasaad na “The State shall protect and promote the right of all citizens to quality education at all levels and shall take appropriate steps to make such education accessible to all.”

Kapos na pondo para sa DepEd

Habang kinakaltasan ang pondo ng SUCs, kapos na kapos naman ang pondong idinagnag sa DepEd na P238.8 billion. Kulang pa ito ng mahigit P300 bilyon kung susundin ang rekomendasyon ng UN na 6% ng GDP, at kulang na kulang para matugunan ang kakulangan sa mga pasilidad at guro.

Malaking bahagi ng idinagdag na nasa P30 bilyon mula sa dating P207.3 billion ay awtomatikong mapupunta sa pagpapatupad ng isinabatas na dagdag-sweldo, at hindi makabuluhan ang maidadagdag na mga klasrum, guro at pasilidad. Nananatiling mas mababa sa P7 kada isang araw ang tunay na halaga ng per capita spending ng pamahalaan para sa edukasyon.

Dahil hindi sasapat ang pondo, lalong sasahol pa ang kalagayan ng edukasyon sa pagpapatupad ng gubyerno sa dagdag ng taon sa kinder at elementarya. Ang pangakong magdadagdag ng pondo para sa dagdag taon ay hindi totoo kung titignan ang badyet.

Mahigit P1.9 bilyon lamang ang idadagdag para sa “universal kinder” gayong aabot sa P18 bilyon kung tutuusin ang kailangan para magkaroon ng guro ang 2.3 milyong inaasahang papasok. Aabot lamang sa 13,000 na bagong guro ang target ng gubyerno gayong nasa 103,000 ang kakulangan. Nasa 45,231 lamang ang mga gagawin na klasrum, kasama na ang irerehabilitate, gayong 152,000 ang kulang.

Sa bagong upuan, 2.53 milyon ang target, malayo sa 13 milyon na kailangan. Habang sa libro, 45.5 milyon lamang ang target habang 95 milyon ang kulang.

Pagkaltas sa serbisyong pangkalusugan

Bukod sa edukasyon, binabarat din ang pondo ng mga ospital at serbisyong pangkalusugan. Ang P44.4 bilyon na inilaan sa serbisyong pangkalusugan ay lubhang napakaliit kumpara sa P90 bilyon na kailangan para lamang matugunan ang pinakapayak na mga pangangailangan ng mga ospital. Lalo pang maliit ito kung ikukumpara sa rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) na 5% ng GNP o nasa P440 bilyon.

Tuloy-tuloy na kinakaltasan ang MOOE ng labindalawang mga mayor na ospital na noong nakaraang taon ay kinaltasan na ng mahigit P70.8 milyon. Ang pondo para sa 55 na ospital ay binawasan noong nakaraang taon ay mahigit P363.7 million. Walang makabuluhang dagdag sa MOOE ngayong taon at may kaltas pa nga ng Personal Services sa mga ospital. Kung ikukumpara ang MOOE ng mga ospital noong 2010 sa kasalukuyang proposal para sa 2012, mas mababa ito ng mahigit P1.1 bilyon.

Sa kabila ng kakulangan sa mga ospital ay wala nang Capital Outlay na inilaan para sa serbisyong pangkalusugan.

Sa halip, ang dinagdagan ay ang pondo ng PhilHealth at mga insurance, mula P3.5 bilyon hanggang P12 bilyon – signal ng higit na pagtutulak sa pribitisasyon ng serbisyong pangkalusugan at pagpapabaya na ng gubyerno sa responsibilidad nito sa serbisyong pangkalusugan.

Prayoridad sa militar, dayuhan at korapsyon

Habang walang pondo para sa mga paaralan at ospital, napakalaki naman ng pondong inilalaan para sa pambayad-utang panlabas, militar, dole-out at kurakot.

Nasa P357 billion ang nakalaan para sa interest payments ngayong taon. Noong 2011, tumaas ito ng makasaysayang P80.9 billion. Sa kabuuan, P738.57 bilyon o higit 40% ng budget ay nakalaan sa bayad-utang panlabas.

Ang nakalaan sa Department of National Defense mula sa P104.7 bilyon noong 2011, ay tumaas na naman sa P107.9 bilyon ngayong taon.

Napakalaki din ng idinagdag sa pondo para sa conditional cash transfer funds (CCT) dole-outs na umabot na sa P39.5 billion mula Php10.9 billion lamang noong 2010 at P29.2-billion noong 2011.

Ang pondo para sa public-private partnership (PPP) na ipapabuya sa malalaking negosyo ay aabot sa  P22.1 bilyon mula sa P15 bilyon noong nagdaang taon.

Tumaas din ang pork barrel ng mga senador at kongresista: P24.8 billion para sa 2012 mula sa P24.6 billion noong 2011. Dinagdagan na ito ng P10.9 billion noong nakaraang taon. Ang unprogrammed funds o pork barrel na presidente ay tumaas mula P66 bilyon tungong P161 bilyon para 2012. Bahagi nito ang P2.6 bilyon na “intelligence funds” ng presidente.

Ipaglaban ang mas mataas na pondo para sa edukasyon, kalusugan at serbisyo!

Dapat pigilan ng nagkakaisang lakas ng kabataan at mamamayan ang mga kaltas pondong ito sa edukasyon at serbisyong panlipunan at igiit ang sapat na pondo. Pakilusin natin ang pinakamarami at pinakamalawak na hanay ng mga mag-aaral, guro, adminstrador at mga magulang para sa mas mataas na subsidyo para sa mamamayan, para sa karapatan sa edukasyon at serbisyo, at laban sa komersyalisasyon.

Kalampagin natin ang mga kinatawan sa Kongreso at Senado na ibasura ang mungkahing kaltas sa badyet at sa halip irechannel ang pondo ng bayad-utang, militar at kurakot sa pondo sa serbisyo para sa mamamayan.

Dapat labanan ang tunguhin at patakaran ng lalong pagkakait ng mga serbisyong panlipunan para paboran ang dayuhan at negosyo.

Tinatawagan ang lahat na palawakin ang pagkakaisa, patindihin ang paglaban. Ilunsad ang mga sama-samang pagkilos, mga martsa, pangangalampag, walk-out at strikes para labanan ang budget cuts at igiit ang mas magandang kinabukasan para sa kabataan at demokratikong karapatan ng nakararaming mamamayan.

Labanan ang budget cuts! Ipaglaban ang mas mataas na alokasyon sa edukasyon at serbisyong panlipunan!

Ilang sanggunian:

DBM NEP 2012 http://www.dbm.gov.ph/index.php?pid=9&xid=30&id=1453

DBM GAA 2011 http://www.dbm.gov.ph/index.php?pid=8&xid=28&id=1364

Komparatibong datos na isinaayos ng Kabataan Partylist at Philippine Collegian

Aquino Budget Message http://www.gov.ph/2011/07/26/president-aquinos-2012-budget-message/

2012 Proposed Budget Highlights http://bit.ly/q6cp1K

PNoy seeks largesse in 2012 budget | ABS-CBN News http://bit.ly/r3PVVE

Discussion Guide on the 2011 Education Budget http://bit.ly/o8rpYE

State Universities & Colleges Budget Briefer 2011 – Kabataan Partylist http://bit.ly/nFru6D

An ‘unhealthy’ proposal: Aquino to cut budget for health services http://bit.ly/n8p43w

2011 DepEd Budget Briefer – Kabataan Partylist http://scr.bi/krExQE


30 K farmers from Southern Tagalog signed petition calling for passage of new agrarian law

Sa pagkakaisa ng mga magsasaka ng Hacienda Yulo sa ilalim ng SAMANA-Buntog, itinayo ang protest camp na ito para igiit ang kanilang karapatan para sa lupang hacienda. Sa kabila ng panghahati ng hacienderong Yulo at pagtatayo nito ng mga huwad, mapagkompromiso at anti-magsasakang organisasyon sa loob din mismo ng hacienda, pagtatayo ng detachment ng militar sa loob ng hacienda, at tuwirang pandarahas sa mga magsasaka, napagtagumpayan ng SAMANA-Buntog na hindi mapapasok ang mga militar na dala ni Architect na si Dan Calvo, ang sugo ng hacienderong Yulo sa panlilinlang sa mga magsasaka ng hacienda.

AUGUST 5, 2011

NEWS RELEASE

 [Press release lifted from KASAMA-TK Facebook page.

30-K farmers from Southern Tagalog signed petition calling for passage of new agrarian law

  

MANILA, Philippines- Ten thousand (10,000) farmers from different provinces of Southern Tagalog signed a Peasant Manifesto urging both chambers of Congress to repeal Republic Act 9700 or the extended Comprehensive Agrarian Reform Program with reforms (Carper) law and instead replace Carper with a new and progressive land reform program pending before the House of Representatives known as House Bill 374 or the Genuine Agrarian Reform Bill (GARB).

The extended CARP law or RA 9700 was signed on August 7, 2009 by former President Gloria Macapagal-Arroyo. Its main authors were Albay Rep. Edcel Lagman and former Akbayan Rep. Riza Hontiveros-Baraquel during the 14 session of Philippine Congress.

On other hand, GARB seeks to distribute for free all agricultural lands to landless tillers and those willing to till, involving private lands and lands controlled by feudal monopolies such as the 6,453 hectare Hacienda Luisita owned by the family of President Benigno Simeon Aquino and other similar haciendas such as Hacienda Yulo in Nasugbu, Batangas and Hacienda Yulo in Laguna province.

At a rally at Mendiola bridge coinciding with the third year of extended CARP,  leaders of Southern Tagalog based Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (Kasama-TK), the regional chapter of Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) said about 10,000 farmers from Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Mindoro Occidental and Mindoro Oriental, Palawan and Romblon provinces signed the petition endorsing the urgent deliberation and eventual passage of HB 374 authored by progressive party list representatives headed by Anakpawis party list congressman Rafael Mariano.

2004, sa gitna ng isang matagumpay na welgang magbubukid, pinagbabaril ng mga militar at pulis ang mga welgista ng Hacienda Luisita bilang desperadong hakbang mga Cojuangco-Aquino. Pito ang namatay at maraming iba pa ang sugatan. Hanggang sa ngayon, hindi pa naigagawad ang katarungan sa mga biktima.

Kasama-TK spokesperson Nelson Villanueva said the 10,000 signatories in the peasant manifesto reflected the collective interest and sentiment of farmers across Region IV and the same applies to many farmers in different regions.

‘The message is clear. Our farmers are demanding free land distribution as addressed by HB 374 or the GARB. The lawmakers should do their assignment and uphold the class interest of millions of farmers and rural people with the repeal of Carper and the passage of HB 374,” the Kasama-TK said in statement.

The peasant manifesto bearing more than 10,000 signatures was delivered and presented on Wednesday to the House Committee on Agrarian Reform chaired by Negros Oriental Rep. Henry Pryde Teves, hours before the House Committee on Appropriations tackled the proposed P 17.92 billion budget of the Department of Agrarian Reform (DAR) for 2012.

According to DAR, the agency needs P 545.9 million in Southern Tagalog alone for 2012 to cover its backlogs on land acquisition and distribution in the region involving not less than 50,000 hectares of undistributed lands.

DAR’s accomplishment report revealed that from 1972 – 2010, the department allegedly distributed 164,306 hectares in Region IV-A and 165,912 hectares in Region IV-B, but Kasama-TK said DAR was not truthful to its report, asserting that the Southern Tagalog region has been a major laboratory for land-use conversions since the time of the late strongman Ferdinand Marcos.

Kasama-TK asserted that vast hectares of farmlands have been transformed into industrial enclaves, commercial centers and so-called ecotourism projects such as golf courses, courtesy of the provisions of CARP.

Kamakailan, naging pasya ng Korte Suprema ang pagkakaroon ng referendum panig sa kahilingan ng Hacienda Luisita Inc. management upang pagpiliin pa rin ang mga manggagawang bukid ng Luisita kung stocks o lupa ang ipapamahagi.

The regional peasant alliance said a total of 394,884 hectares in Southern Tagalog are still locked in agrarian disputes, which shows that the number agrarian cases in the region are far bigger and put into question the so-called accomplishment of DAR. #

____

For Reference: AXEL PINPIN, KASAMA-Timog Katagalugan Secretary General


Southern Tagalog-based alliance urges Aquino to augment budget for social spending

Read SAVE OUR EDUCATION MOVEMENT’s Manifesto of Unity here.

Like SAVE OUR EDUCATION MOVEMENT’s Facebook Fanpage here.

 

The Aquino administration’s 2012 budget must reflect significant increases in social spending that trickle down to the largest number of people and must do away with gross misappropriations and palliative but costly solutions to poverty, a multi-sectoral alliance based in Southern Tagalog said today.

In its convention held at the ACCI Auditorium in UP Los Baños, the Save Our Education Movement said that President Benigno Aquino III’s “glaring omission” of the social sector in his second State of the Nation Address is “more than a mere oversight” but an indication of “the administration’s lack of commitment to improve social services, especially the education sector”.

The SAVE OUR EDUCATION MOVEMENT was formed in opposition to the deep budget cuts to State Universities and Colleges (SUCs), as well as in other areas of the social sector, that triggered large-scale students’ strikes and protests across the country in September 2010. It consists of student councils, student and youth organizations, faculty members, academic personnel, workers’ and farmers’ group, among others.

“Aquino has merely paid lip service to the principle of investing more on the people’s welfare, while elsewhere, the people are yet to enjoy universal health care benefits, decent housing programs, and accessible education at all levels, among others,” Allen Lemuel Lemence, SAVE OUR EDUCATION MOVEMENT spokesperson, said.

“Under his administration, we have only experienced more of the same, relative to Arroyo, in terms of prioritizing social spending,” he added.

He cited last year’s Php 367.2M slash in the budget for SUCs and the Php 1.4B cut in the budget for the health sector, which according to him redounds to the detriment of the common people.

“With such decreases in allocation, the people’s access to public services is obscenely constricted. Public hospitals and public universities, for example, are forced to venture into eco-enterprises and income-generating projects that either raise the cost of these public services or altogether cut down access of low-income families to these services.”

Meanwhile, University Student Council-UP Los Baños Chairperson Pura Beatriz Valle said even the country’s national university suffers from the “systematic state abandonment of education and other social services”.

She said last year’s Php 1.65B budget cut for UP, the largest in the university’s history, is a clear manifestation of how public institutions “that supposedly cater to the public welfare are forced to adjust to the government’s design of privatizing a large portion of the public sector, with the end result of erosion of their public character.”

She said the perennial cutbacks in the UP budget has set in motion income-generating schemes such as tuition and other fees increases, shifting of default bracket for the university’s tuition assistance program, and sale or lease of idle assets.

“We have seen how such coping mechanisms to decreasing state subsidy for UP have transformed UP from being a ‘University of the People’ to the ‘University of the Privileged Few’. This is aggravated by the university’s flawed admissions policy and tuition assistance program,” she added.

Not much to look forward to

While the Aquino administration’s first version of this year’s budget may seem to have increased subsidy to the main spheres of social services such as education and health, the SAVE OUR EDUCATION MOVEMENT said this does not easily translate into an increase in the prioritization of public spending.

“The devil is in the details. Since the Aquino government’s main design still remains intact, that is, privatizing areas of the public sphere, there’s not much to look forward to as regards grassroots-level impact of the increases,” Lemence said.

“With Public-Private Partnerships, much of the additional allocations will be used to facilitate the conversion of public utilities and services into semi-private or private corporations, or direct them towards serving the interests of the business sector and multinational corporations,” he said.

“This will get us nowhere in broadening the people’s access to basic social services.”

The group also hit Aquino on “misallocating the budget and focusing on dole outs in combating widespread poverty”.

“It just won’t work. Having a budget that invests more on alleviating the debt burden and buttressing the armed forces, which are facing a barrage of corruption allegations, than on its people will only produce miseducated and unhealthy citizens. The government is now bent on reducing poverty through the Conditional Cash Transfer with an added Php 10B, which is a ridiculous, short term and narrow approach to ending a deeply-rooted social problem,” Lemence said.

Meanwhile, the SAVE OUR EDUCATION MOVEMENT has drafted a campaign plan that will take effect until the national budget is passed into law and includes several activities that aims “to intensify the campaign for higher state subsidy for social services”.

“The SAVE OUR EDUCATION MOVEMENT will not hesitate to stage a repeat of the national students’ strike last year if Aquino will not heed our calls,” Lemence said.


Ikalawang SONA ni Aquino: ANG ISA’T KALAHATING [BU]WANG-WANG AT SANGKATUTAK NA KASINUNGALINGAN

Isang Unity Statement ng pagsusuri sa mga kasinungalingan sa ikalawang State of the Nation Address ni G. Benigno Aquino III

“Narinig natin ang pag-ubo ni Aquino hindi dahil sa kanser sa paninigarilyo kundi dahil sa kanser ng kronikong krisis panlipunan, sa lipunang Pilipino.”

Pagkatapos ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Benigno “Noynoy” Aquino III, ito ang mga salitang ipinukol ni Leo XL Fuentes, pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan-Timog Katagalugan at dating Tagapangulo ng Konseho ng mga Mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas Los Banos.

Tulad ni Fuentes, kami, mga mag-aaral, guro at kawani ng UPLB, mga kabataang maralita, magsasaka, manggagawa at mamamayang nakikibaka, ay lubos na itinatakwil ang mga kasinungalingang laman ng ikalawang SONA ni Aquino. Higit pa rito, kami ay mariing lumalaban sa walang kaparis na kahirapang dulot ng nagpapatuloy na dayuhang pandarambong—kasapakat ang mga burukrata, malalaking negosyanteat asendero—sa yaman ng bansa at panghihimasok sa lahat ng larangan nito.

Tulad ng kanyang campaig line na “Kung walang kurap, walang mahirap” noong Halalang 2010, pinakikitid ni Aquino ang paglutas ng pamalagiang krisis panlipunan, pang-ekonomiya at pampulitika ng bansa sa pamamagitan ng kampanyang anti-“wang-wang” nito.

Sumatutal, uminog ang ikalawang SONA ni Aquino sa pagtugis umano sa mga “wang-wang” o yaong mga mapang-abuso sa awtoridad. Mula sa pagtutok sa “wang-wang” na animo’y ugat ng samut-saring suliranin ng bansa, pinangalandakan muli ni Aquino ang kalunus-lunos na kalagayang dinatnan nito mula sa nakaraang rehimeng Arroyo, mga nagawa nito sa loob ng nakaraang isang taon upang tugisin ang mga “wang-wang”, at ang “buhay na buhay” na hinaharap ng sambayanang Pilipino sa pamamahala ng gobyernong Aquino.

Ngunit tingnan natin ang mga kasinungalingan at katotohanan sa kanyang SONA:

1.       KAGUTUMAN

Aquino

Napababa umano ng gobyernong Aquino ang bilang ng mga Pilipinong nagugutom ngayong taon: Mula 20.5% ng populasyon noong Marso tungong 15.1% na lamang ngayong Hunyo.

Katotohanan

Minamanipula, na animo’y mina-magic, ang mga datos upang palabasin ang ganitong mapanlinlang na pahayag. Ayon sa National Statistics Coordination Board, hindi mahirap ang Pilipinong kumikita ng P37 kada araw. Sa ganitong taya, lalabas na mas mababa sa 30% sa bansa ang tinatayang mahirap at halos walang mahirap sa Kamaynilaan!

Sa katunayan, 80% ng populasyon ng bansa ang kumikita lamang ng mas mababa sa P104 kada araw, kalahati pa nito ay kumikita lamang P18-P54 kada araw. Kung ikukumpara sa standard daily cost of living na humigit-kumulang P1,000 sa pamilyang may anim na myembro, lalabas na halos 73 milyong Pilipino ang hindi nabubuhay ng disente at nakararanas ng kagutuman.

2.       Financial management

Aquino

Ayon kay Aquino, “Ang budget po ang pinakamalinaw na pagsasabuhay ng ating tuwid na landas.” Kung kaya nilayon umano ng gobyerno ang “tamang” paggastos ng kaban ng bayan na nagbunga ng P23 bilyong natipid dito. Dagdag pa niya, ang ganitong malikhaing pananalapi ang nagpataas ng ranking ng bansa sa credit rating nito. Magbibigay umano ito sa gobyerno ng mababang interes sa pautang ng mga international lending institution.

Katotohanan

Siyasatin natin ang tinagurian ni Aquino na 2011 Reform Budget:

IN BILLIONS OF PESOS

2010

2011

+/-

Debt (interest) payments 327 357 +30
Pork barrel 10.9 24.8 +13.9
CCTs 10 29.2 +19.2
Military 96.2 104.7 +8.5
Educ (Basic/SUCs) 175/24.8 207.3/24.4 +32/-0.4
Health 40 36 -4.0
Housing 5.2 5.6 +0.4

Aabot sa 58% ng pangkabuuang badyet ang inilalaan sa pambayad-utang, samantalang ang pinagsama-samang badyet para sa batayang serbisyong panlipunan—edukasyon, kalusugan at pabahay—ay aabot lamang sa 19.2% ng pangkabuuang badyet.

Masaklap pa, habang nagtataasan ang badyet na inilalaan sa pambayad-utang at pondo para sa militar, kinakaltasan naman ang badyet para sa serbisyong panlipunan. Ang pagtaas ng badyet sa batayang edukasyon (elementarya at hayskul) ay nominal lamang, at nananatili ang malaking kakulangan sa mga pasilidad tulad sa guro (94,000), klasrum (134,000), upuan (12 milyon) at libro (63 milyon).

Kung ang pambansang badyet ang “daang matuwid”, walang duda na bali-baliko at maputik ang daang patungong kumunoy ng kahirapan ang tinatahak ng mamamayan sa ilalim ni Aquino. Walang duda, kung gayon, na anti-mamamayan at maka-dayuhan ang gobyernong ito!

3.       PAGTUGIS SA KORUPSYON

Aquino

Nagkaroon umano ng bunga ang pagtugis ng gobyernong Aquino sa “wang-wang” pareho sa pampubliko at pribadong sektor. Sa pampublikong sektor:

  • Tumaas na raw ang mga kumpanyang handang tumaya para sa eksplorasyon ng yamang langis at mineral ng bansa, mula 36 kumpanya noong 2006 tungong 140 ngayong taon.
  • Nasiwalat din umano ang ma-anomalyang umento sa bonus ng Philippine National Construction Corporation na umabot ng P232 milyon.
  • Napigilan din umano ang mga proyektong walang pakinabang tulad ng dredging sa Laguna lake na nagkakahalaga ng P18.7 bilyon at programang food-for-school na walang siguradong benepisyaryo.
  • Napigilan din umano ang mga anomalya sa Department of Public Works and Highways tulad sa Region 4B na gagastusan ng P300 milyon gayong hanggang P50 milyon lamang ang maaaring gastusin ng ahensya kada proyekto.
  • Napigilan na rin umano ang 1 milyong toneladang over-importation ng bigas.
  • Nasiwalat na rin umano ang anomalyang paggastos ng PAGCOR ng P1 bilyon para sa kape.

Sa pribadong sektor, nasiwalat na rin umano ang “mahirap paniwalaang” maliit na halaga ng buwis na binabayaran ng mga maliliit na negosyante at propesyunal na umaabot lamang ng P5,783 income tax bawat isa sa kanila.

Katotohanan

Isang kasinungalingan na isang produktibong hakbang na paramihin ang pagpapa-ubaya sa mga pribadong kumpanya ang eksplorasyon sa ating yamang langis at iba pang mineral. Ang tanging dahilan kung bakit nais magsiksikan ng mga kumpanyang ito—na karamihan ay mga dayuhang mamumuhunan—sa mga probinsya sa Kordilyera, Bicol Region, Palawan at Mindoro dahil ang Pilipinas ay ikatlo sa buong daigdig na pinakamayaman sa ginto, ikaapat sa copper, ikalima sa nickel, at ikaanim sa chromite, na sumatutal ay nagkakahalaga ng mahigit kumulang US$840 bilyon-US$1 trilyon. Dahil ang mga kumpanya ay pribado, wala sa kanilang prayoridad ang serbisyo, sa halip ay ang gatasan ang bansa habang lugmok sa kahirapan ang sambayanan. Walang habas itong pinahihintulutan ng gobyernong Aquino.

Sa pribadong sektor, tila nagtataka pa si Aquino kung bakit maliit ang buwis na binabayaran ng mga propesyunal at mga maliit na negosyante. Una, hindi ba’t labis ding tinatamaan ang mga propesyunal at maliit na negosyante ng labis na krisis dahil sa nagtataasang presyo ng mga bilihin? Ikalawa, hindi binanggit ni Aquino na mismong mga datos ng gobyerno ay mina-magic: Kahit “takatak” vendors ay inihahanay kasama ang mga small at medium businessmen.

Pilit pa ring nakabuntot si Aquino sa anino ng labis na pagkapoot ng sambayanan sa nakaraang gobyernong Arroyo. Kung kaya, tinutugis ng gobyernong Aquino ang korupsyon upang pagmukhaing mayroon itong ginagawa para sa pag-unlad ng bansa. Ang misyong ito ng gobyernong Aquino ay hindi bumubunot ng ugat ng korupsyon; sapagkat senyales lamang ng kronikong krisis ang ganitong problema.

Kailangang maunawaan na ang korupsyon ay isang tradisyon sa kultura at pulitika ng bansa na nagmula pa sa mga kolonyalistang Kastila at Amerikano sa pamamagitan ng kanilang mapagsamantalang kaugalian ng sistemang “paternalismo” o “batá-batá”. Ibig sabihin, upang wakasan ang korupsyon kailangan ring bunutin ang ugat nito: Ang kontrol ng dayuhan at iilan sa yaman ng bansa, sa kapangyarihang kinakasangkapan ng mga ito upang higit na makapagkamal ng dambuhalang yaman.

Pilit na pinagdidiinan ni Aquino ang mga kasong ito ng korupsyon, ngunit tila nakalimutan na niya ang tuwirang pagpapanagot kay Arroyo at kanyang chronies. Tila kinalimutan din ni Aquino na banggitin ang pinaka-korap na ahensya ng gobyerno—ang Armed Forces of the Philippines—na nagpatuloy sa pangungurakot sa kasalukuyang gobyerno. Tila nakalimutan na niya na kahit siya ay namamalakad sa sistemang paternalismo: Ang KKK Inc. nito o ang Kaibigan, Kamag-anak, Kapamilya at Kabarilan, Inc. At kahit si Aquino mismo ay “wang-wang” at mapang-abuso sa kapangyarihan sa pag-aatubpag ng PPP o Porsche, Playstation at Pakikipagdate.

Tahimik din siya hinggil sa “Pajero” bishops na nasangkot sa usapin ng ma-anomalyang gawi ng PCSO. Tila nagiging maingat si Aquino sa tuwirang pagbangga sa Simbahang Katolika, ang isang institusyong mayroong tuwiran at di-tuwirang partisipasyon sa kanyang pagkakaluklok bilang pangulo.

4.       PABAHAY

Aquino

Ani Aquino, pinabubuti umano ni kanyang gobyerno ang kundisyon ng mga pulis at militar. Sila ay bibigyan na ng certificate of entitlement of lot allocation, upang ang karaniwang binbayaran nilang P4,000 kada buwan para sa bahay ay P400 na lamang.

Pinaplano na rin ng National Housing Authority ang dagdag na pabahay sa mga pulis at militar sa Visayas at Mindanao at isasama na ang mga kawani sa Bureau of Jail Management and Penology at Bureau of Fire Protection.

Katotohanan

Para kanino ang serbisyong pabahay ng gobyerno?

Tinatayang nasa 556,526 pamilya o 2.7 milyong Pilipino ang mga “informal settlers” sa Kamaynilaan. Aabot ito ng 25% ng populasyon ng rehiyon. Mayroon ding tinatayang 10,000 pamilyang biktima ng demolisyon ang nagsisiksikan sa Southville 7 sa Calauan, Laguna, 700 pamilya sa Parian, Calamba City, 200 pamilya sa kinatitirikan ngayon ng Rizal Park sa Calamba City, may ilang libong pamilya pa sa San Roque at New Manila sa Quezon City, Laperal sa Makati, Tondo sa Manila, Pangarap Village sa Caloocan, Davao at iba pang panig ng bansa. Hindi sila nagkaroon ng espasyo sa SONA ni Aquino. Hindi sila ang target ng proyektong pabahay ng gobyernong ito.

 5.       LAKAS-MILITAR

Aquino

Pinagmalaki ni Aquino na maaaring magkaroon ng modernong lakas-militar ang AFP dahil sa pagtugis sa mga “wang-wang”. Magkakaroon na umano tayo ng kauna-unahang Hamilton Class Cutter at iba pang kagamitan tulad ng helicopter at patrol crafts.

Sa kabila ng plano nitong pagbili ng mga kagamitang pandigma, plano umano ng gobyernong Aquino na makitungo ng mahinahon sa iringan sa mga isla ng West Philippine Sea. Plano nitong iangat ang usapin sa mga nasabing isla sa International Tribunal of the Laws of the Sea.

Katotohanan

Sa 2011 Reform budget ng gobyerno, tumaas ng P8.2 bilyon ang badyet ng militar, iba pa ang pagtaas ng badyet ng Department of National Defense at Philippine National Police. Malisyoso ba tayo kung kukwestyunin natin ang ganitong prayoridad? Bakit tumataas ang pondo ng militar habang papadausdos ang badyet sa serbisyong panlipunan? At bakit kagamitang pandigma, tayo ba ay mayroong inaasahang digmaan na sasangkot ang Pilipinas?

Sabi ni Aquino, pakikitunguhan natin ang usapin ng Spratlys ng mahinahon, ngunit mula sa pang-uupat ng US sa panghihimasok nito sa iringan sa mga islang nabanggit, tila nang-uupat din ang Pilipinas sa Tsina na kalaban ngayon ng US sa pandaigdigang merkado. Malinaw ang patuloy na paghahanda ng mga tropang Kano sa mga Pilipinong militar sa porma ng pagpapatuloy ng Visiting Forces Agreement at kahalintulad nitong polisiya tulad ng CARATS sa Zamboanga at Palawan. Dahil dito, hindi man ipormal malinaw na bumabase na ang mga tropang Kano sa mga lupain ng bansa, at anumang pagkakataon sa hinaharap maaari nang magdeklara ng digmang agresyon ang US sa Tsina.

Kung gayon, hindi ito simpleng malisya; isa itong ma-anomalyang alokasyon ng kaban ng bayan na hindi tumutugon ng tunay na kagyat na pangangailangan ng sambayanan.

Sa kabila ng kanyang pagmamalaki sa mga modernong kagamitang pandigma, hindi naman nagkaroon ng espasyo ang SONA ni Aquino sa pag-uulat sa bayan ng mga kaso ng paglabag sa karapatang-pantao tulad ng patuloy na nakabinbing mahigit 1,000 kaso ng extra-judicial killings sa panahon ni Arroyo at patuloy na pamamayagpag ng mga militar na sangkot sa mga kasong ito.

Malinaw ang panawagan ng mamamayan sa kabila ng walang kaparis na kagutuman sa ilalim ni Aquino: Edukasyon hindi gyera, pagkain hindi bala.

6.       KRIMEN, PAMBANSANG SEGURIDAD AT KAPAYAPAAN

Aquino

Pinagmalaki ni Aquino ang pagsugpo umano ng gobyerno sa mga krimen partikular sa carnapping at human trafficking.

Batay daw sa datos, bumaba mula 1,010 kaso ng carnapping noong 2006 tungong 460 kaso na lamang ngayong 2011. Sa human trafficking, nakapagpakulong na umano ang gobyerno ng 31 traffickers sa loob lamang ng isang taon, mas malaki pa ito sa 29 human traffickers na naipakulong sa pitong taon mula 2003-2010. Dahil dito, natanggal na raw tayo sa Tier 2 Watchlist on trafficking in persons sa daigdig, dahilan upang magkaroon ng mataas na prayoridad ng financial aid mula sa Millenium Challenge Corporation.

Katotohanan

Bagamat ikatutuwa natin kung totoo mang may pag-unlad sa pagsugpo sa kirminalidad, mababaw ang konsepto ng gobyernong Aquino sa pambansang seguridad at kapayapaan kung itutuon lamang nito ang atensyon sa paglutas ng suliranin sa mga krimeng tulad ng carnapping at trafficking. Ang kailangan ng sambayanan ay isang kumprehensibong solusyon hinggil sa ugat ng ganitong kaguluhan at tunggalian sa bansa—isang kumprehensibong paglutas sa socio-ekonomikong krisis o kahirapang nagtutulak sa mamamayan upang gumawa ng mga desperadong hakbang para lamang mabuhay. Dapat bunutin ng kumprehensibong solusyong ito ang ugat ng kahirapan: Ang pananatili ng di-tuwirang dayuhang kontrol sa bansa, ang pagsasamantala ng iilang asendero sa malawak na magsasaka at sambayanan, at ang burukratikong katiwalian.

Habang pinatatampok ng gobyerno ang pagtugis nito sa mga maliit na kriminal, tila kinalimutan niya ang mga krimen na kinasasangkutan ng kanyang mga ka-“KKK Inc.” hinggil sa masaker sa Hacienda Luisita noong 2004.

Higit pa rito, hindi nito tinalakay ang isyu ng nagaganap na armadong tunggalian sa kanayunan. Tahimik si Aquino hinggil paglabag ng gobyerno nito sa mga kasunduan sa peacetalks na nagiging dahilan ngayon ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), ang grupong katuwang ng taumbayan para magtayo ng independyenteng gobyerno, upang iurong ang pakikipagnegosasyon kay Aquino. Hanggang ngayon, nakakulong pa ang 17 NDFP consultants na dapat ay pinoprotektahan ng security guarantees batay sa kasunduan ng dalawang gobyerno.

7.       TRABAHO AT EDUKASYON

Aquino

Iniulat ni Aquino sa kanyang SONA ang paglikha ng gobyerno ng 1.4 milyong trabaho, dahilan upang bumaba ang unemployment rate sa bansa mula 8% noong 2010 tungong 7.2% noong Abril 2011.

Ani Aquino batay sa datos ng PhilJobNet website, tinatayang 50,000 kada buwan ang nababakanteng trabaho dahil sa kawalan ng mga manggagawang may tamang kasanayan para sa trabaho. Lulutasin umano ng gobyerno ang ganitong suliranin sa trabaho sa pamamagitan ng pagtutulungan ng DOLE, TESDA, CHEd at DepEd na baguhin ang kurikulum ng sistema ng edukasyon sa bansa upang tuwirang tumugon sa aktwal na pangangailangan ng mga kumpanyang nagbibigay ng trabaho.

Ngunit sa kagyat umano’y palalawigin pa ang saklaw ng proyektong Pantawid Pamilyang Pilipino program/conditional cash transfer (4Ps/CCT) ng 1.3 milyong benepisyaryo ngayong taon.

Pinagmalaki rin ni Aquino ang mga bagong teknolohiya na gawang Pilipino at para umano sa mga Pilipino tulad ng low-cost mosquito trap, coconut foir fider sa konstruksyon ng mga kalsada, early flood warning system, landslide sensor, at bagong transport system na dine-develop ng DOST at UP.

Katotohanan

Maliit kung tutuusin ang datos ng unemployment rate ni Aquino, kung totoo nga ang mga datos na ito. Dahil sa katunayan, batay sa pinakahuling sarbey ng gobyerno, tinuturing nito na employed ang mga manggagawang sa kasalukuya’y naghahanap pa lamang ng trabaho.

Kung susuriin, batay sa pananaliksik ng Ibon foundation, 11.3 milyon ang walang trabaho noong unang kwarto ng kasalukuyang taon, mas mataas ito sa 9.9 milyong walang trabaho noong huling kwarto ng 2010. Dahil sa kakulangan ng sapat na trabaho sa bansa, humigit-kumulang 4,000 Pilipino ang umaalis sa bansa araw-araw para magtarabaho sa ibayong dagat.

Maging ang binibigay nitong solusyon na pagbabago ng kurikulum sa sistema ng eduksyon para lamang sa interes ng mga dayuhang kumpanya ay isang maka-dayuhang patakaran at kung gayo’y isang anti-nasyunal at anti-mamamayan sapagakat hindi nito layuning tugunan ang aktwal na pangangailangan ng sambayanan sa repormang agraryo at pambansang industriyalisasyon para sa tunay na pag-unlad.

Ang 4Ps/CCT nama’y isang panandaliang solusyon; ngunit panandalian na nga lang hindi pa sapat ang administratibong kapasidad at imprastraktura ng gobyerno para benepisyuhan ng proyektong ito ang target nitong 14% na pinakamahirap sa bansa. Mayroon lamang tayong 16,200 health stations sa 42,000 barangay sa bansa. Dagdag pa rito ang kakulangan sa mga dentista, doktor, nars at midwife na nananatiling mababa sa 10-20% ang proportion sa populasyon.

Ngunit higit pa rito, nalantad na ang tunay na layunin ng 4Ps/CCT: Ang maging programang pampakalma lamang sa nag-aaklas na mamamayan bilang bahagi ng kontra-insurhensyang programa nitong Oplan Bayanihan. Samakatuwid, hindi intensyon ng 4Ps/CCT o kahit ng Oplan Bayanihan na bigyang solusyon ang malalang kagutuman at ligalig sa lipunan.

Samantala, sa kabila ng pagmamalaki ni Aquino sa mga imbensyong Pilipino, pilit naman nitong ikinukubli ang kawalan ng prayoridad ng kanyang gobyerno para sa mga pampublikong unibersidad na siyang lilinang ng siyensya at teknolohiya ng bansa. Buong pagmamalaki pa nitong binanggit ang UP sa talumpati, samantalang maraming imbensyong Pilipino at mga pananaliksik ang hindi na kinakaya pang sustentuhan ng pamantasan dahil sa pagkapilay nito bunsod ng pinakamataas na budget cut sa subsidyo nito na nagkakahalaga ng P1.39 bilyon.

8.       KALUSUGAN

Aquino

Tumatarget na umano ang National Household Targetting System ng 5.2 milyong pamilyang magiging benepisyaryo ng Philhealth, upang siguruhin umano na hindi lamang kapag nalalapit ang eleksyon saka tatrabahuhin ang pagbebenepisyo ng Philhealth sa mga maralita.

Katotohanan

Malinaw na walang maiuulat si Aquino hinggil sa pagpapalakas ng imprastraktura ng gobyerno para tugunan ang pangangailangan sa kalusugan ng mamamyan. Makikita sa datos sa itaas ang malaking kakulangan sa health units at mga kawaning pangkalusugan. Hindi ito kataka-taka dahil wala sa prayoridad ng gobyerno ang pagbibigay ng sebisyong medikal sa taumbayan: Bumaba ng P4 bilyon ang badyet sa kalusugan ngayong taon, mula sa P40 bilyon noong 2010 tungong P36 bilyon ngayon taon.

Habang binabawasan ang badyet, tinutulak naman ng gobyernong Aquino sa diwa ng Public-private partnerships ang pagsasapribado ng maraming pampublikong ospital sa bansa, maging ang pangunahing ospital nito—ang Philippine General Hospital, na ngayon ay lugmok sa utang sa operasyon nito (kuryente halimbawa) dahil sa mababang subsidyo mula sa gobyerno.

Kapansin-pansin din na hindi naglabas ng pahayag si Aquino hinggil sa isyu ng Reproductive Health Bill. Bagkus, pinuri pa nito ang mga obispo ng Simbahang Katolika sa isang tipo ng rekonsilyasyon sa interes ng Simbahan at estado. Ma-anomalya ito sapagkat kamakailan lamang matapos ang kabi-kabilang patutyada ng gobyerno sa “pajero” bishops kahit pa todo-ingat si Aquino sa sensitibong usaping ito, nagpahayag ng pagsuporta ang CBCP sa panawagan ng mga manggagawang bukid ng Hacienda Luisita na ipamahagi ang lupang hacienda.

9.       ARMM

Aquino

Pinatampok din ni Aquino sa kanyang SONA ang synchronization ng eleksyon ng ARMM sa pambansang halalan upang gawing kongkreto umano ang pagbebenepisyo ng mabuting pamamahala ng gobyerno sa nasabing rehiyon.

Katotohanan

Isa itong diversion sa tunay na usapin ng kahirapan sa ARMM: Malawak na warlordism at landlordism o pangangamkam ng mga lupain sa Mindanao at pandarahas sa mamamayang Moro. Kailanman hindi naging patas ang eleksyon sa ARMM at tanging ang may namamayagpag na hacienda at malakas na pwersa ng Private Army ang siyang makauupo sa pwesto. Kahit pa mangyari ang sinsabaging election synchronization, mananatili pa ring malawak ang dayaan, madugo ang eleksyon at dominado ng iilan ang pulitika sa ARMM. Sa huli, talo ang sambayanang Moro; itatapon lamang nilang parang basura ang hungkag na solusyong ipinanunukala ng Kongreso at ni Aquino.

10.   ISYUNG PANG-KALIKASAN

Aquino

Tinukoy ni Aquino ang malawak na deforestation bilang sanhi ng mga pagbaha tuwing tag-ulan. Ika ni Aquino, hindi na lamang photo opportunity ng pulitikong nagtatanim ng seedlings ang solusyon kundi pagsisiguro sa pagtatanim ng puno, partikular ng punong kape at kakaw, ng mga setler. Ang mga setler na ito ay magsisilbing ‘steward’ ng mga kape’t kakaw na itatanim. Bibigyan umano sila ng insentibo sa kanilang pag-aalaga ng mga punong ito.

Katotohanan

Gayong napakalaking usapin ng pagkasira ng kalikasan, mga punong kakaw at kape ang naging laman ng SONA ni Aquino sa halip na bigyang pansin ang malawakang anomalya at walang pusong panggagahasa sa kalikasan ng mga malalaking korporasyon sa pagtotroso, pagmimina at pagtitibag ng bato (quary). Dahil kumikita ng malaking buwis ang gobyernong Aquino mula sa mga korporasyong ito, nanatiling tahimik si Aquino sa pagtugis sa kanila.

Nag-endorso si Aquino ng bagong 247 application sa bansa para sa eksplorasyon ng yamang mineral ng bansa. Nanghimasok na rin ito sa open-pit mining ban sa Cotabato at inidorso rin ang pagsasapribado ng pagmimina sa Palawan at Mt. Diwalwal. Nais nitong ingudngod ang mga setler sa pagtatanim ng punong kape’t kakaw ngunit kahit ga-milyong puno pa ang itanim, kung mananatili ang mga pribadong operasyon ng pagmimina, lulubha lamang ang pagkasira ng kalikasan.

11.   KARAPATANG-PANTAO

Aquino

Mayor sa puntong ito ang pagbibigay umano ng gobyernong Aquino ng sapat na kompensasyon sa mga biktima ng Batas Militar. Binanggit din ni Aquino ng pahapyaw ang kumpyansa nito sa Department of Justice sa pagresolba ng mga kaso ng extra-judicial killings (EJK).

Katotohanan

Ani Aquino, “Ang pagkakamit ng ganap na katarungan ay hindi natatapos sa pagsasakdal kung hindi sa pagkukulong ng maysala.”

Pensyon para sa mga biktima ng Batas Militar?—hindi naman ito masama, ngunit bakit hanggang sa ngayon ang mga maysala sa daang libong kaso ng pagyurak sa karapatang-pantao sa madilim na panahon ng Batas Militar ay hindi pa rin nakukulong? Gayong mayroong kumpensasyon, sampal sa mga biktima ng Batas Militar ang hindi pagkilala ni Aquino sa patung-patong na ebidensya laban sa mga mersenaryong militar, paramilitar, mga opisyal ng gobyerno, at higit sa lahat sa diktador na si Marcos upang sila’y isakdalat ipakulong.

Hindi kataka-taka kung bakit walang nabanggit si Aquino hinggil sa pagsasakdal sa mga maygawa ng extra-judicial killings (EJK). Hanggang sa ngayon kasi, wala pa ni isa ang nareresolba sa mahigit 1,000 kaso ng EJK sa siyam na taon ni Arroyo sa estado-poder. Ating itatanong: Bakit lubhang matagal ang pagresolba sa mga ito, gayong mismong UN Human Rights Council Rapporteur Professor Philip Alston ang nakapagsuri na, “There is no reasonable doubt that the military is responsbile for a significant number of killings and that subsequent number of evidence points to the continuing nature of that practice”? Ang mga sangkot dito na si Jovito Palparan at ang mga kasapakat nito sa 202nd Infantry batallion at iba pang tropa ng AFP ay namamayagpag pa rin.

Kung susuriin naman ang mga kaso ng paglabag mismo ng gobyernong Aquino sa kaparatang-pantao, malalamang nilagpasan pa nito ang rekord sa pagpaslang ng sinundan nitong si Arroyo: 45 kaso ng EJK, 15 dito ay mga mamamayan ng Timog Katagalugan; 5 sapilitang pagdukot; at 300 bilanggong pulitikal, kabilang ang 17 na NDFP consultants na dapat ay protektado ng safety at immunity guarantees. Lahat ng ito sa loob lamang ng isang taon!

Kaya naman pala, sapagkat nasa bakuran mismo ng kanyang opisina ang maysala, paano niya sila maisasakdal?

Samantala, sa nakaraang koda ng karapatang-pantao para sa Lesbians, Gays, Bisexual and Transgender o LGBT na ipinanukala ng UN, tanging ang gobyernong Aquino lamang sa mga bansang Katolika ang hindi pumirma rito. Sa kabila ito ng napakaraming kaso ng diskriminasyon—malala pa ay pagpaslang—sa mga LGBT ang unti-unti nang lumulutang. Maging sa konggreso, nagiging malaking usapin na ang panukalang Anti-Discrimination Bill bunsod ng pagsaklolo ng libu-libong LGBT sa pagyurak sa kanilang karapatang mabuhay ng matiwasay.

12.   RECONCILIATION

Aquino

Tampok din ang pagpapasalamat ni Aquino sa mga alagad ng Simbahang Katolika katulad kina Cardinal Rosales at Vidal. Nakikita rin umano ng gobyernong Aquino ang kumpiyansa ng ugnayan ng gobyerno at Simbahan kay Archbishop Palma na haligi ngayon ng Simbahan.

Katotohanan

Pilit ikinukubli ni Aquino ang namumuong iringan ng Simbahang Katolika at gobyerno sa maraming usapin: Reproductive Health Bill, mga manggagawang bukid ng Hacienda Luisita at paglilibing ng mga bangkay ng diktador na si Marcos kahanay ng mga martir at bayani sa Quezon City.

Pilit nitong itinutulak ang rekonsilyasyon, samantala tinatalikuran ang mga dapat na pag-usapan sa pagitan ng dalawang panig.

At kung tapat ang gobyernong Aquino sa pangakong rekonsilyasyon, dapat na agaran na itong humarap sa naantalang usapang pangkapayapaan sa pagitan nito at ng independyanteng gobyerno ng taumbayan na nirerepresenta ng NDFP. Dapat na itigil na nito ang pambubuyo, sapagkat pagwawakas sa armadong digmaan, kapayapaan at pambansang seguridad ang nakasalalay sa negosasyong ito.

13.   KULTURA NG NEGATIBISMO

Aquino

Ani Aquino, itigil na umano ang kulturang negatibismo: Ang pagkahilig na “maghanap ng kung anu-anong pangit sa ating bayan”.

Katotohanan

Nais nating pag-ibahin ang sinasabi ni Aquino na negatibismo sa pagpoprotesta. Dapat nating ipaalala ng malinaw sa gobyerno at sa mga katulad din mismo ni Aquino na “wang-wang”, na nasa mamamayang lugmok sa matinding kahirapan ang LAHAT NG DAHILAN UPANG TUMULIGSA.

Hindi na kayang linlangin ng mga ganitong mabubulaklak na pahayag ni Aquino ang mamamayan. Lantad na lantad na siya at ang kanyang bulok na pamamahala. Tama na, kailangan na nating tuldukan ang ilusyon ng pagbabago sa ilalim ng maka-dayuhan at anti-mamamayang gobyernong Aquino!

SO NAsaan na ang “daang matuiwd”?

Hindi na papalinlang ang Sambayanang Pilipino!

Manindigan, labanan at singilin ang gobyernong Aquino!

Ang unity statement na ito ay lubos na sinusuportahan ng:

Anakbayan-UPLB, Anakbayan-Southern Tagalog, League of Filipino Students-UPLB, Center for Nationalist Studies-UPLB, Gabriela Youth-UPLB, Student Christian Movement-UPLB, UPLB Zoomout Multimedia Collective, Kabataan Partylist-UPLB, Kabataan PArtylist-Laguna, Kabataan Partylist-Southern Tagalog, College Editors’ Guild of the Philippines-Southern Tagalog, National Union of Students of the Philippines-Southern Tagalog, Umalohokan, Inc, UPLB Kulturang Ugnayan ng Kabataan Alay sa Bayan, UPB Writers’ Club, Kartunista-Manunulat Kolektib, Solidaridad-UPLB, Samahan ng Kabataan para sa Bayan (SAKBAYAN) at iba pang organisasyon at samahan.

Maaaring makuha ang orhinal na teksto ng ikalawang SONA dito.

Bbulok na prutas ang pantapat ng mga mamamayan ng Timog Katagulagan sa larawan ni Aquino upang ipakita ang galit ng mga mamamayan sa "bulok" nitong pamamahala