PAGBATI SA MGA BAGONG ISKOLAR NG BAYAN SA UPLB: Alamin ang mga isyu, Ipaglaban ang ating karapatan!

 

Binabati natin ang lahat ng mga bagong iskolar ng bayan sa Unibersidad ng Pilipinas Los Banos! Kaakibat ng karangalang makapasok sa isa sa pinakaprestihiyosong pamantasan sa bansa ay ang hamon at tungkulin na makinig, matuto at makisangkot kaugnay ng mga mahahalagang isyu sa loob at labas ng pamantasan – sapagkat ang pagkatuto ay hindi lamang sa loob na apat na sulok ng silid-aralan, sapagkat kalakip ng pagiging mga iskolar ng bayan ay ang dakilang tungkuling paglungkuran ang sambayanan!

Alamin natin ang mga latest issue sa loob at labas ng UPLB, ating suriin at alamin kung ano ang ating mga karapatan!

 

Issue #1: Budget cut sa edukasyon at serbisyo, pondo para sa dayuhan at iilan hindi sa mamamayan

Ipinasa ng rehimeng US-Aquino  ang pambansang badyet na pumondo sa pagbabayad ng dayuhang-utang (P357 B, interes pa lang), sa militar (P107.9 B), korapsyon (P24.12 B pork barrel) at mga hungkag na proyekto tulad ng Conditional Cash Transfer (P30.9 B) at Public-Private Partnerships (P22.1 B), ngunit nagbigay ng kakarampot sa mga batayang serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon ( P238.8 B sa basic education at P21.9 B sa SUCs), pabahay (P5.6 B) at serbisyong-pangkalusugan (P44.4 B).

Nakasaad sa Article 3, section 14 ng Saligang Batas: “The State shall protect the right of all citizens to quality education at all levels and make appropriate actions to make such education equally accesbile to all.” Ang edukasyon ay kaparatan, hindi pribilehiyo. Karapatan nating igiit sa gubyerno na ilaan ang pondo hindi para sa dayuhan at iilan kundi sa sambayanan.

 

Issue #2: kolonyal, komersyalisado at reaksyunaryong edukasyon

Bunga ng maka-dayuhan at kontra-mamamayang pambasang badyet ng Rehimeng US-Aquino, nagsimula ang bagong taon ng pasukan ng dambuhalang suliranin sa sektor ng edukasyon: 152,000 kakulangan sa silid-aralan, 13 milyon sa upuan, 135,000 sa palikuran at 96 milyon sa aklat.

Kaliwa’t kanan pa ang mga porma ng pagkomersyalisa sa edukasyon, kung saan pinakatampok ang pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin ng 267 pamantasan sa humigit-kumulang 10%.

Bunga ng ganitong kalunos-lunos na kalagayan, 80% ng mga estudyanteng nasa edad 11-15 taon ang hindi na nakakatuloy sa pagpasok sa eskwela (drop-out rate). Nasa 80% din ng mga estudyante sa kolehiyo ang hindi na nagsisipagtapos. Sa ngayon, 8 milyong kabataan ang hindi man lang nagkaroon ng pagkakataong makatapak sa pamantasan.

Kakambal pa ng mga ito ang patuloy na pagsahol ng katangiang kolonyal ng edukasyon sa pamamagitan ng programang K to 12 ng DepEd. Ang disenyong 12 taong batayang edukasyon ay, sa katunayan, halaw sa Bologna Accords ng European Union at Washington Accords ng US. Sinasaad ng dalawang kasulatang ito na ang mga magtatrabaho sa ibayong dagat ay kailangang nakapagtapos ng 12 taong batayang edukasyon, ayon na rin ito sa dikta ng mga dayuhang multi-national corporations. Ibig saibihin, ang K to 12 ay binalangkas hindi upang tugunan ang disempleyo sa bansa o itaas ang kalidad ng edukasyon tulad ng pinalalabas ng gobyerno.

Isulong ang edukasyong siyentipiko, maka-masa at makabayan. Siyentipiko dahil nais nating isulong ang edukasyong naglalahad ng katotohanan at nagwawaksi sa mga pagtinging walang batayan. Makabayan dahil nais natin ng edukasyong nagsisilbi sa interes ng ating bayan at hindi ng dayuhan. Maka-masa dahil nais nating ang edukasyon ay nakakamit ng mahihirap at tumutugon sa kanilang pangangailangan at hindi sa iilan lamang.

 

Issue #3: Panggigipit sa mga lider-estudyante at pagyurak sa ating demokratikong karapatan

Tatlong buwan nang nakabinbin ang proklamasyon ng nanalong Tagapangulo ng Konseho ng Mag-aaral na si Ynik Ante ng Samahan ng Kabataan para sa Bayan matapos hindi kilalanin ang kanyang pagkapanalo dahil siya ay naka-promissory note. Isa itong malinaw na pagyurak sa integridad ng eleksyon at desisyon ng mga estudyante. Isa lamang ito sa napakaraming represibong hakbang at polisiyang iniwan ni Vivian Gonzales, ang dating direktor ng Office of Student Affairs at isa ring reserved colonel ng Philippine Army. Ilan sa mga kabang at polisiyang ito ay tambayan phaseout, suspension ng mga lider-estudyante, pagbabawal na maglunsad ng mga aktibidad pagkalipas ng oras ng klase, pagbabawal sa freshman na sumali sa organisasyon, panghihimasok sa operasyon n gating konseho at publikasyon, at iba pa.

Isang porma ng panggigipit sa mga estudyante ang hindi pagproklama kay Ante. Ang panggigipit na ito sa ating Konesho ng Mag-aaral ay hindi dapat pinahihintulutan. Ang ating konseho ay pinakamataas na gubyerno ng mga iskolar ng bayansa pamantasan, isang konsehong pinagbuwisan ng buhay-at-kamatayang pakikibaka ng libu-libong estudyanteng nauna sa atin. Ang Konseho an gating sandigan para sa karapatan sa edukasyon at kakampi para isulong an gating mga demokratikong adhikain.

 

***

 

Nananatiling kolonyal, komersyalisado at reaksyunaryo ang edukasyong Pilipino dahil walang makabuluhang pagbabago ang aasahan mula sa Rehimeng US-Aquino. Nananatili kasi itong kontrolado ng dayuhan at dominado ng iilang panginoong maylupa at malalaking burgesya komprador na mayayaman at makakapangyarihan.

Ang ating panawagan: Pambansang Demokrasya! Ang pambasang demokrasya ang paninindigang isulong ang pambansang kalayaan at paglaya ng bawat mamamayang inaapi at pinagsasamantalahan. PAMBANSA dahil nais nitong igiit ang pambansang soberanya. DEMOKRATIKO dahil nais nitong ipaglaban ang dmeokratikong interes at karapatan ng mayorya ng sambayanang Pilipino – ng mga magsasaka, manggagawa, propesyunal, estudyante, maliliit na negosyante, minorya, kababaihan, at iba pang demokratikong sektor.


Ilang Mahahalagang Punto Laban sa Programang K-12 ng Administrasyong Aquino

Ang K-12 (kinder to grade 12) ay isang programang naglalayong palitan ang kurikulum ng elementarya at sekuundaryang edukasyon sa Pilipinas at dagdagan ito ng dalawang taon. Noong nakaraang taon, inumpisahan ang programa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng universal kindergarten. Ngayong Hunyo naman ay uumpisahan na ang bagong kurikulum para sa mga mag-aaral na papasok ng grade 1 at first year high school na ngayon ay tinatawag na grade 7.

Ayon sa Department of Education (DepEd), ang K-12 umano ang solusyon ng administrasyon ng Pang. Benigno S. Aquino III sa lumalalang krisis sa edukasyon. Gayunpaman, mariin itong tinututulan ng mga kabataan, mag-aaral, guro, kawani, magulang at ng buong komunidad dahil sa kawalan ng programa ng makabuluhang batayan at sapat na paghahanda at panustos ng gobyerno para rito. Ang hilaw na pagpapatupad ng K-12 ay maaaring makapagpalala pa ng sitwasyon.

Narito ang ilan sa mga batayan ng DepEd sa pagpapatupad ng K-12 at ang ating paglalantad sa kahungkagan ng programang ito:

I. Ayon sa DepEd: Ang K-12 ang solusyon sa dumaraming bilang ng out-of-school youth.

Sa katunayan: Ang pangunahing dahilan ng pagdami ng out-of-school youth ay ang kakulangan ng pantustos sa pag-aaral. Batay sa pag-aaral ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), tinatayang gagastos ng P12,090 ang bawat pamilya para tustutusan ang pag-aaral ng isang miyembro sa bawat karagdagang taon sa K-12. Kabilang sa mga gastusin ang pamasahe, baon, gamit sa eskwela at iba pa. Mabigat ang halagang ito na pinapalala pa ng nagtataasang presyo ng mga bilihin at ang mababang pasahod sa mga manggagawa lalo na’t tahasan nang tinalikuran ng Pang. Aquino ang panawagan sa P125 across-the-board nationwide dagdag-sahod.

II. Ayon sa DepEd: Solusyon daw ang K-12 sa bumababang marka ng mga mag-aaral sa elementarya at sekundarya.

Sa katunayan: Hindi solusyon ang karagdagang taon sa pag-aaral sa humihinang kalidad ng batayang edukasyon. Ayon mismo sa resulta ng Trends in International Mathematics and Science Studies, maraming bansa na may 10 taong batayang edukasyon o mas maiksi, tulad ng South Korea at Singapore, ang nakakuha ng pinakamatataas na marka. Ilang mga bansa naman na may programang K-12, tulad ng Chile at Saudi Arabia, ay nakakuha ng mababang marka. Pinapakita nito na sa halip na karagdagang taon sa batayang edukasyon, ang tunay na makakapagpataas ng kalidad ng edukasyon sa bansa ay ang mataas na budget para sa maayos na gamit, libro at iba pang pasilidad, at gayundin ang mataas na pasahod sa mga guro at kawani.

III. Ayon sa DepEd: May sapat na rekursong nakalaan para sa pagpapatupad ng K-12.

Sa katunayan: Ayon sa pag-aaral ng ACT, ang mga pampublikong paaralan sa bansa ay nakakaranas ng 182,483 kakulangan sa mga guro, 97,685 kakulangan sa mga silid-aralan, at 153,709 kakulangan sa palikuran.  Naglaan lamang ang Department of Budget Management ng P259.25 B para sa 2013 gayong ang pangangailangan sa edukasyon ay tinatayang aabot sa P338.20 B. Ang mismong United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang nag-aatas sa ating gobyerno na maglaan ng anim na porsyento ng kita nito para sa edukasyon subalit hanggang ngayon ay nanatiling tatlong porsyento lamang ang inilalaan ng administrasyong Aquino para sa batayang edukasyon at sa kolehiyo. Muli, hindi solusyon ang K-12. Ang tunay na solusyon ay ang pagpapahalaga ng gobyerno sa edukasyon at paglalaan ng pondo para rito.

IV. Ayon sa DepEd: Sa pamamagitan ng K-12, hindi na kailangan ng mga kabataang magtapos ng kolehiyo para magkaroon ng trabaho.

Sa katunayan: Baluktot at elitista ang katwirang ito. Pinapatunayan nito na ang karapatan ng mga kabataang makapag-aaral sa kolehiyo, makapili ng propesyon at magkaroon ng oportunidad para matulungan ang kanilang pamilya na umasenso sa buhay ay itinuturing na pribilehiyo lamang ng may kakayahang makapagbayad ng matrikula sa kolehiyo. Kung wala ka nito, sisiguruhin ng K-12 na makapag-aral na lamang ng bokasyunal at teknikal kahit hindi ito ang iyong nais, para sa pagtatapos ng sekundarya ay maaari nang maghanapbuhay. Dagdag pa, sa K-12, inaasahang magtatapos ang mga mag-aaral sa edad na 18—legal na edad para makapag-trabaho. Maliban dito, hindi rin nasosolusyunan ang kawalan ng trabaho ng mga kabataang nakapagtapos ng kolehiyo. Ayon sa pag-aaral, humigit-kumulang na 461,000 Pilipinong nagsipagtapos ng kolehiyo noong taong 2008 ang walang trabaho.

V. Ayon sa DepEd: Ang mga nagsisipagtapos sa programang K-12 ay maari nang ituring na mga propesyunal at may mataas na pinag-aaralan sa ibayong-dagat.

Sa katunayan: Walang kabuluhan ang argumentong ito. Malisyoso nitong itinutulak ang mga kabataan na mangibang-bansa imbis na hikayatin ang mga ito na maglingkod sa sariling bayan. Hindi masisisi ang mga kabataang piniling iwan ang kanilang mga pamilya upang mabigyan sila ng mas maginhawang buhay na ipinagkakait sa kanila sa sariling bayan. Subalit responsibilidad ng gobyerno na lumikha ng mga programang pang-ekonomiya kung saan hindi na kakailanganin pa ng ating mga kabataan ang lisanin ang bansa para maghanapbuhay. Ang K-12 ay panakip-butas at palusot lamang ng gobyerno sa kawalan nito ng kakayahang lumikha ng balangkas para sa pambansang industriyalisasyon kung saan ang ating bansa mismo ang makikinabang sa ating lakas-paggawa imbis na mga dayuhang nagpapakasasa sa mababang pasahod sa ating mga kababayang overseas Filipino workers. Resulta rin nito ang papalalang brain drain kung saan kinakapos na tayo sa mga propesyunal at mga skilled workers na siya sanang magtataguyod ng ating bayan.

VI. Ayon sa DepEd: Lubos na ang naging pag-aaral at paghahanda para ipatupad ang K-12 ngayong taon.

Sa katunayan: Wala pang ligal na batayan ang pagpapatupad ng K-12 ngayong taon. Kamakailan lamang sinimulang madaliin sa Kongreso ang pag-aamyenda sa “Education Act of 1982” subalit ngayon ay ipinapatupad na ang bagong programa.

Ang edukasyon ay isa sa mga armas natin para mapaunlad ang bayan. Ang K-12 ay nakadisenyo upang pagsilbihan ang mga dayuhang mamumuhunan na ang tanging interes ay magkamal ng tubo mula sa kanilang natitipid sa ating murang lakas-paggawa. Walang makabuluhang pagbabago ang makakamit  sa pagdaragdag ng taon at pagpapalit ng nilalaman ng kurikulum sa batayang edukasyon kung ang mga ito ay hindi nilalangkapan ng makabayan, makamasa at siyentipikong adhikain.

Kaya naman dapat magkaisa ang hanay ng mga kabataan, estudyante, guro, kawani, administrador, at ang buong komunidad upang tutulan ang huwad na programang K-12. Narito ang ilan sa mga hakbang upang mapagtagumpayan natin ang ating laban:

  1. Maglunsad ng mga pag-aaral at serye ng talakayan hinggil sa K-12 upang mas marami pa ang makaalam kung bakit nararapat itong labanan.
  2. Ipahayag sa iba’t ibang porma ang pagtutol sa K-12. Ang pinagsama-samang boses ng mamamayan ang maaaring lumikha ng pwersang pipilit sa gobyernong ihinto ang pagpapatupad nito.
  3. Lumahok at magpalahok sa “No to K-12 Alliance”. Kung mas marami tayong kikilos, mas mapapabilis ang ating tagumpay.
  4. Dumalo at magpadalo sa iba’t ibang tipo ng pagkilos laban sa K-12. Gawing malikhain ang mga pagkilos upang makapanghamig ng mas malawak na hanay ng mamamayan.
  5. Pumirma at magpapirma sa “1.2 milyong pirma kontra K to 12 ni Aquino”, isang petisyong ipapasa natin sa ating mga mambabatas hanggang maparating ito sa Malacañang.

Ipagpatuloy natin ang ating pakikipaglaban para sa libre at de-kalidad na edukasyon—edukasyong naglilingkod sa kapwa Pilipino!


Biguin ang Kontra-mamamayang K+12 ng rehimeng US-Aquino! — League of Filipino Students

A statement from LFS’ official website.

 

Sa pagbubukas ng pasukan ngayong Hunyo ay problema na naman ng mga magulang kung saan huhugot ng pera pangtustos sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Bukod dito, dadagdag pa sa kanilang problema ang implementasyon ng programang K+12 ng administrasyong Aquino ngayong taon.

Ang K+12 ay programang pang-edukasyon na nangangahulugan na bawat bata ay dumaan sa Kindergarten, ang unang apat na taon ay tatawaging Junior Highschool at ang karagdagang 2 taon pa ay tatawaging Senior Highschool, kung saan ang 2 taong ito ay maglalako ng Vocational-Technical courses (baking, welding, cosmetics, automotive, etc). Pinagmamayabang ng inutil na Pangulo na ang K+12 ang lulutas sa krisis ng edukasyon at disempleyo sa bansa. Ngunit kung susuriin nang mabuti ay malinaw na hindi ganito ang kaso.

Dagdag taon, dagdag pahirap
Sa kasalukuyang kalagayang binabarat ang sahod ng mga manggagawa at mataas ang presyo ng langis at ibang produkto, ang karagdagang taon sa batayang edukasyon ay nangangahulugan ng dagdag gastusin para sa mga mag-aaral at kanilang mga magulang. Ang dalawang karagdagang taon ay nangangahulugan ng karagdagang gastos para sa school supplies, baon, pamasahe, at mga proyekto sa paaralan. Ibig sabihin nito ay mababawasan ang badyet ng pamilya para sana sa pambayad-kuryente, pagkain sa araw-araw, at iba pang bilihin. Kalaunan ay mababawasan din ang mga hindi makakapagtapos ng pag-aaral dahil sa kahirapang dulot ng dagdag dalawang taon na ito. Sa bahagi ng gobyerno ay nangangailangan din ng karagdagang gastos para tustusan ang mga pangangailangan sa sektor ng edukasyon. Sa kasalukuyan, may kakulangan na ng 97, 685 silid-paaralan at 132, 483 guro sa buong kapuluan. Ngunit dahil mas pinipili ng gobyerno na laanan ng pondo ang pambayad utang-panlabas at militarisasyon, hindi pa rin maresolbahan ang matagal nang problema ng edukasyon sa bansa. Ang hindi pagkalutas sa mga problemang ito ng pamahalaan sa matagal na panahon ay nagpapakita na walang puwang sa sistema ng edukasyon ang K+12 at iba pang dagdag gastos.

K+12 ni Aquino, para kanino?
Sinasabi rin ng administrasyong Aquino na ang K+12 ang lulutas sa usapin ng malawakang disempleyo sa bansa. Dahil daw sa karagdagang 2 taon, magtatapos ng hayskul ang mga kabataan pagtungtong ng edad 18 at kung gayon ay nasa legal nang edad para maghanap ng trabaho. Kabulaanan ito dahil kalakhan ng mga trabaho ay nangangailangan pa rin ng diploma ng pagtatapos sa kolehiyo bago ituring na propesyunal ang isang empleyado. Kung tutuusin nga, maging ang mga tapos mismo ng kolehiyo ay nahihirapan din sa paghahanap ng trabaho sa bansa. Mananatili lang ang kalagayan kung saan mamamasukan ang mga kabataang ito bilang mga kontraktwal na trabahador.

Sa kabilang banda, mas madali rin umano makakahanap ng trabaho sa ibang bansa ang mga gradweyt dahil ang K+12 ay sang-ayon sa kurikulum ng ibang bansa. Ang ganitong kaisipan ay malinaw na pinapakitang tinutulak ng gobyernong ito na magpaalipin na lang ang mga kabataan sa dayuhang kumpanya sa halip na maglingkod sa sariling bayan at malapit sa kani-kanilang pamilya.

Kontrahin ang K+12!
Napatunayan ng pagsulpot ng dati nang problema ng mga siksikang sild-aralan at kulang na mga pasilidad na mas nangangailangan pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang paglutas sa mga ito sa halip na ipatupad ang programang tulad ng K+12. Sa panimulang pagbubukas ng klase ngayong Hunyo 4, tumambad sa buong publiko ang kalunus-lunos na kalagayan ng mga mag-aaral sa elementary at hayskul. Tampok dito ang mga nagsisiksikang estudyante sa isang classroom, na kung saan nagresulta para isailalim ang mga ito sa ‘homestudy’ program. Ang ilan pa nga ay ginawang 3 shift ang mga klase.

At sa malaon pa, ipanawagan ang mataas na badyet sa edukasyon. Tanging sa sama-sama at solidong pagkilos ng kabataan at mamamayan makakamit ang isang siyentipiko, makamasa, at makabayang porma ng edukasyon!

EDUKASYON, KARAPATAN NG MAMAMAYAN!

ITAAS ANG BADYET SA EDUKASYON!

TUTULAN ANG K+12 NG REHIMENG US-AQUINO!

ISULONG ANG MAKAMASA, SIYENTIPIKO, AT MAKABAYANG EDUKASYON!

 


Statement of the UP Student Regent: Respect the students’ choice for chairperson of the UPLB USC

By Diego Torres, Kartunista-Manunulat Kolektib

With full faith in the electorate of UP Los Banos, the Office of the Student Regent will recognize Ynik Ante the chairperson of their University Student Council. Ms Ante won the elections held 22-24 February 2012 by 36 votes.

The disqualification case against Ms Ante, who had unpaid tuition until the time of the election, should no longer be entertained by the College Electoral Board (CEB) of UP Los Banos for both technical and substantial grounds. Per records of the University Registrar, Ms Ante was enrolled last semester.

Late payment of tuition should not be used to undermine the position of any student committed to be involved so fully in UP’s academic and extra-curricular offerings. Such circumstance is one many UP students have found themselves in, with UP tuition’s rise to almost five times the minimum wage.

No law or precedent will correctly stand to the position to consider the election as if Ms Ante’s name had not been present on the ballot. Nullifying votes already cast for her nullifies the vote entirely. Thus, the proposal of the CEB to declare the runner up as chairperson is baseless.

For guidance in future elections, the OSR stands that the mere pendency of a disqualification case against a candidate who had been allowed into a ballot does not justify the suspension of proclamation after winning in the election. To hold otherwise would unduly encourage the filing of baseless and malicious petitions for disqualification if only to effect the suspension of the proclamation of the winning candidate. In the end, this defeats the sovereign will of the electorate and unduly benefits undeserving third parties.

We call on the CEB of UP Los Banos – all college secretaries and student council chairpersons – to uphold the UP tradition of open-mindedness and democracy, and to proclaim Ms Ante as chairperson of the UPLB USC as soon as possible.

Hopefully, this serves as a fitting challenge to Ms Ante, the students’ choice, along with the duly-elected USC, to pay off lost time and to release the distress and disappointment, with magnified commitment to serve their constituency.

All the best, for a better UP.

KRISSY CONTI

Outgoing Student Regent

CLEVE ARGUELLES

Incoming Student Regent

1 June 2012


AFP, Stop Spreading Your Lies

15 May 2012


The Armed Forces of the Philippines Human Rights Office (AFPHRO), in a news article on the Philippine Daily Inquirer that came out last May 14, is boasting that the AFP has a clean human rights slate from January to April this year and all other human rights violations cases filed at the Commission on Human Rights (CHR) from July 2010 are mere accusations.

The AFP should stop spreading its lies.

An estimated eight battalions of the Army, police and CAFGU are currently stationed in 22 towns in the southern part of Quezon. Such a concentration of forces in rural communities translates to an escalation of human rights violations.

In a press conference we have organized last Monday, farmers from Quezon shared stories of military abuse.

Among them was Christopher Prieto, a farmer from Mulanay, Quezon. Last May 9, at around 1:00 A.M., several armed men in combat boots came to his house accusing him of hiding a gun. When his wife asked the unwanted visitors who they were, they only answered “Why do you need to know who we are?”

Prieto said some of his neighbors were brought to a military camp last January, interrogated and accused of being New People’s Army (NPA) rebels. One was even beaten up.

In Catanuan, Quezon, military men disrupted 17-year-old Manilyn Caribot’s funeral, who died in a crossfire between the 85th Infantry Battalion of the Philippine Army (IBPA) and the NPA last April 29.

Her aunt, Genelyn Dichoso, was offered Php 150,000 by two army men (one introduced himself as a lieutenant from the 76th IBPA) for her to refrain from filing a case against the military. She declined.

On Caribot’s funeral last May 5, two 6×6 army trucks filled with soldiers in full battle gear stood waiting at the cemetery entrance.  The soldiers surrounded the grave where Manilyn was set to be buried. While all this was happening, soldiers reportedly ransacked Dichoso’s house, as well as five others,.and allegedly pointed their guns at children who were left at home.

Felix Balaston, a farmer from Macalelon, Quezon, was seen by witnesses being brought to the 85th IBPA camp on March 27, 2011. His wife, Mirasol, is still searching for him up to now.

Many other cases of threat, intimidation, harassment, manhandling have also been reported to Karapatan by local farmers.

Certainly, the AFP will dismiss these cases again as mere accusations.

Let us not forget that during the Arroyo administration, more than a thousand fell victim to extrajudicial killings and hundreds to enforced disappearance, yet no one was ever convicted. That does not mean that the victims were simply spreading accusations.

Human rights violations continue under the current Aquino administration’s Internal Peace and Security Plan “Bayanihan” or “Oplan Bayanihan.” Like its predecessor Oplan Bantay Laya, Oplan Bayanihan is a counterinsurgency program devised to quell any form of dissent, armed or unarmed, by any means necessary. It blurs the distinction between what is legal and illegal. Ultimately, innocent civilians become prime victims.

There is a great need to defend human rights, especially when the violators will do anything in their power to mislead the public. There is a great need for all who know in their hearts the importance of human rights to unite and take a stand against injustice.

Stop human rights violations now.

Glendhyl Malabanan

Secretary General

Karapatan-Southern Tagalog

karapatan.st@gmail.com


Tatlong Menor de Edad sa Quezon, Pinagbintangang mga Miyembro ng NPA at Iligal na Inaresto ng mga Militar

Tatlong Menor de Edad sa Quezon, Pinagbintangang mga Miyembro ng NPA at Iligal na Inaresto ng mga Militar

 

PRESS RELEASE

25 Marso 2012

 

Reference:

Glendhyl Malabanan

Secretary General, KARAPATAN-Southern Tagalog

Contact no.: 09185682090

Email: karapatan.st@gmail.com

QUEZON — Marso 22, humigit-kumulang 6:30 ng hapon sa Sitio Tagbakan, Brgy. Pansoy, San Andres, Quezon, Tatlong kabataang magsasaka ang  iligal na inaresto ng mga miyembro ng 74th Infantry Battalion Philippine Air force na nakabase sa Sitio Niño, Quezon sa pangunguna ni Lt. Vitalico Sacoso.

Ang mga kabataang dinakip ay sina Elmer Desoyo na 17 taong gulang, Rey Rodrigo na 17 taong gulang at isa pang menor de edad na nagngangalang Reynaldo Delos Santos. Sila Desoyo at Rodrigo ay nakatira sa Sitio Irigation, Brgy. Nasalaan, San Francisco, Quezon habang si Delos Santos ay  taga-Brgy. Camplora, San Andres, Quezon.

Matapos ang nasabing pag-aresto ay pinuntahan ng mga militar sa pangunguna ni Corporal Richard Casciano ang pamilya at sinabi na ang nahuling 3 ay nasa kanilang Company Headquarters dahil sila ay nahuli sa diumano’y engkwentro sa pagitan nila at ng New People’s army (NPA) sa Sitio Tagbakan, Brgy. Pansoy San Andres, Quezon.

Dalawang beses nang  pinuntahan ng pamilya at ng grupong KARAPATAN-ST ang nasabing Company Headquartes ngunit hindi ipinakita sa kanila ang mga inarestong kabataan. Sa ngayon ay nabalitaang nasa Quezon Provincial Jail na ang mga menor de edad at sinampahan ng kasong illegal possession of fire arm.

Ayon kay Glendhyl Malabanan, Secretary General ng KARAPATAN-ST, “Binabansagan nilang miyembro ng NPA ang mga kabataang ito upang pagtakpan nila ang mga paglabag sa karapatang pantao na ginagawa nila sa mga kabataan tulad ng ilegal na pang-aaresto. Patunay na maging ang mga walang muwang na mga kabataan ay nagiging biktima ng marahas na pananatili ng mga militar sa mga komunidad sa ilalim ng Oplan Bayanihan ng pamahalaan ni Noynoy Aquino.”

Ayon sa tala ng Children’s Rehabilitation Center, sa loob pa lamang ng tatlong buwan sa taong ito ay mayroon ng limang kaso ng extrajudicial killings, 15 frustrated killings, 2 kaso ng panggagahasa at sekswal na pansasamantala; 10 atake sa mga eskwelahan at 8 kaso ng pagbibintang sa mga kabataan na mga rebelde o miyembro ng NPA.

“Nakakaalarma at nakakatakot ang ganitong sunod-sunod na pangyayari ng paglabag sa karapatang pantao sa mga kabataan. Nito lamang Pebrero 16, apat na kabataan sa Majayjay, Laguna ang walang awang pinagbabaril ng mga miyembrong sundalo ng 202 Brigade ng Philippine Army. Dalawa sa kanila ang namatay at dalawa ang nasugatan na hanggang ngayon ay kritikal ang kalagayan. Aminado ang mga militar na napagkamalan nilang NPA ang mga kabataang mangangaso at pinilit pa nilang magpabayad ang mga magulang nito para hindi sa kanila magsampa ng kaso. Kitang-kita ang pagiging iresponsable at bastos ng mga militar na ito na nagpapanggap na mga human rights protector samantalang sila ang tunay na human rights violator!”, dagdag ni Malabanan.

Sa pahayag ng KARAPATAN-ST, mariin nilang kinokondena ang isa na namang kasong ito ng paglabag sa karapatang pantao na naganap sa Quezon. Nananawagan ang mga pamilya ng mga kabataang dinakip na sa madaling panahon ay ipakita na sa kanila ang kanilang mga kaanak at bigyan sila ng hustisya. Ayon sa kanila, kinakailangang matigil ang karahasang idinudulot sa mga kabataan ng Oplan Bayanihan ni Noynoy Aquino. Sa kabila ng kawalang prayoridad ng gobyerno sa mga pangunahing pangangailangan tulad ng edukasyon ay dinadagdagan pa ng karahasan ang pasanin ng mga kabataan. ###


Bakit kailangang lumahok ng kabataan sa Mayo Uno?

"Workers and peoples of the world, unite! We have nothing to lose but our chains!" Ito ang mga salita ni Vladimir Lenin sa Ikatlong Internationale upang bigyang-diin ang kahalagahan ng pagbubuklod ng lahat ng pinagsasamantalahan at aping uri para sa pagtatagumpay ng sosyalismo. Nauna nang nabanggit ni Karl Marx ang mga katagang "Workers of the world, unite!..." sa kanyang akdang Manipesto ng mga Komunista na isinulat kasama si Friedrick Engels noong 1848.

Walang kapayapaan sa bayang lugmok sa napakatinding kahirapan. Ang masang anakpawis na ubos-lakas ang pagsisikap maitawid lamang ang araw-araw ay patuloy na binubusabos ng mga ganid na malalaking burgesya kumprador, panginoong maylupa at imperyalista sa kanilang layuning gatasan ang ating lakas-paggawa ng bilyun-bilyong tubo.

Ngunit ang gobyernong Aquino na inaasahan nating poprotekta sa karapatan ng mamamayan ang siya pang nagbibigay-katwiran sa pagkaganid ng 1% sakim sa tubo. Hinahawan nito ang daan para ibayong dambungin ng mga sakim ang ating likas-yaman at kontrolin ang mga pampublikong industriya. Tagapamandila ang gobyernong ito ng imperyalistang globalisasyon, isang polisiya ng mga imperyalista upang mangamkam ng super-tubo sa mga mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas.

1. Kontrolado ng iilan ang yaman ng bansa, habang dayukdok sa matinding kahirapan ang maralita!

Ayon sa pag-aaral, nagkakahalaga ng US$21.4 billion ang pangkabuuang yaman ng 25 pinakamayayamang Pilipino, katumbas na ito ng taunang kita ng 55.4 milyong Pilipino!

Kabilang sa pinakamayayamang ito sina Henry Sy, Lucio Tan, Gokongwei, Lopez, Cojuangco-Aquino at Ayala.

2. Pinopondohan ang utang, korupsyon at militar, budget cut naman sa serbisyong panlipunan!

BADYET ng GOBYERNO
(bilyong piso) 2010 2011
Utang-panlabas 327 357
Pork barrel 10.9 24.8
Militar 96.2 104.7
Edukasyon 199 231
Kalusugan 40 36
Pabahay 5.2 5.6

Nananatiling pinakamataas ang pondo ng utang-panlabas na hindi naman direktang pinakikinabangan ng taumbayan. Patuloy pang lumalaki ang pondo para sa pork barrel na isa sa mga pangunahing pinagmumulan ng korupsyon. Ang sandatahang militar nama’y binubusog ng lumalaking pondo gayong ito ang napatunayang numero unong korap na ahensya ng gobyerno. Sa kabila nito, dayukdok ang pondo sa edukasyon na tumatanggap lamang ng 3.9% mula sa Gross Domestic Product ng bansa, malayo sa rekomendasyon ng United Nations na 6%. Higit namang mas dayukdok ang serbisyong pangkalusugan at pabahay dahil sa kakarampot na pondo!

3. Sumisirit ang presyo ng petrolyo, batayang bilihin at serbisyo, nakapako naman sa mababa ang pasahod!

Noong nakaraang taon (Enero-Hunyo 2011), 19 na beses nagtaas ng presyo ng langis, ngunit siyam na beses lamang nag-rollback. Kahit nitong bagong taon, nagtaas pa rin ng paulit-ulit ang presyo nito na nagresulta sa siyam na pisong overpricing!

Ang bigas na pangunahing pangangailangan sa hapag-kainan ay tumaas ang presyo mula P25 kada kilo patungong halos P35. Tumaas din ang minimum na pamasahe mula P7 tungong P8.50 ngayong Marso! Nagsunuran na rin ang pagtaas ng presyo ng iba pang bilihin, dahilan upang lalong lumiit ang tunay na halaga ng sahod na nakapako pa rin sa minimum nitong P404 kada araw sa Kamaynilaan at mas mababa pa sa ibang rehiyon. Samantala, wala pang sangkatlo o 29.4 milyon Pilipino lamang ang nakarehistro sa SSS at GSIS.

Walang kakayanan ang sistemang kontrolado ng iilan ang lumikha ng sapat at nakabubuhay na trabaho. Umaabot na sa 52% ng pwersang paggawa o 4.4 milyon ang walang trabaho at 16.4 milyon naman ang kulang ang trabaho. Dahil dito, 4,030 kada araw ang nangingibang bansa upang magpaalipin sa dayuhan.

Patuloy pang sinusupil ang mga unyon ng mga manggagawa. Halimbawa nito ang naging malawak na tanggalan sa Coca-Cola Phils, Philippine Airlines, Honda Cars, Toyota, garments industry at mga enklabo. Dahil hindi regular sa trabaho, ang mga kontraktwal ay pinagbabawalan ng batas na mag-unyon, dahilan upang bumaba mula 2.79 milyon tungong 1.79 milyon na lamang ang mga manggagawang bahagi ng unyon.

4. Pito pa rin sa 10 pagsasaka ang walang lupang sakahan, papatindi ang pangangamkam at pagpapalit-gamit ng lupa!

Sa ilalim ng rehimeng US-Aquino, bigo ang Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms na ipamahagi sa mga magsasaka ang mga lupaing kinamkam sa kanila. Ang pamamahagi ng Hacienda Luisita ay hindi pa dulot ng repormang ito kundi sa tuluy-tuloy na lumalakas na panawagan ng taumbayan na buwagin ang monopolyo sa lupa ng mga panginoong maylupa. Sa ribalan ng hudikatura at ng ehekutibo-lehislatura na kontrolado ni Aquino, nauunsyami pa ang pamamahagi ng Luisita at balak pang maghabol ng monopolistang Conjuangco-Aquino na kumita mula sa pamamahagi nito sa pamamagitan ng paniningil ng bayad mula sa mga magsasaka!

Tuluy-tuloy naman ang pagpapalit-gamit ng lupain sa kanayunan – mula sakahan tungong mga pribadong resort, club house, sea port, subdivision at golf courses. Pangunahin ngayong land-grabber ang SM Development Corporation na pagmamay-ari ni Henry Sy.

Dahil sa malawakang pagpapalayas ng mga magbubukid sa kanayunan, malawakan din ang paglikas nila tungong kalunsuran upang maging bahagi ng reserbang hukbo ng paggawa. Dahil sa kawalan ng trabaho at nakabubuhay na sahod, sila ang madalas nagiging iskwater at, dahil sa kadesperaduhan, napapailalim sa kriminalidad at anti-sosyal na gawain upang mabuhay.

5. Marahas na dinedemolish ang mga maralita upang bigyang-daan ang pagkaganid ng iilan!

Aabot na sa 14 milyon ang mga maralitang tagalunsod sa bansa, 497,000 pamilya nito ay nasa Metro Manila. Nitong nakaraan nasaksihan natin ang mararahas na magdedemolish sa mga kabahayan ng maralita sa Silverio Compound sa Paranaque, kung saan apat ang napatay ng pamamaril ng mga pulis, dalawa rito ay menor-de-edad, habang 40 pa ang sugatan. Halimbawa ang nangyari sa Silverio sa mga mararahas na demolisyon halimbawa sa Sitio San Roque, Diliman, North Triangle, Quezon City at Dasmarinas, Cavite.

Ang mga demolisyong ito ay marahas isinasagawa katuwang pa mismo ang gobyerno upang magbigay-daan sa mga pribadong negosyo.

6. Kinikitil ang ating karapatang sibil, pinatatahimik ang sambayanang nakikibaka, pinapatay ang taumbayan!

Walang pinag-iba ang rehimeng US-Aquino sa nauna sa kanyang si Arroyo sa pambubusabos sa karapatan ng taumbayan. Apatnapu’t lima na ang kaso ng pampulitikang pamamaslang, lima ang dinukot at nawawala at 300 pa ang mga bilanggong pulitikal na bunga ng anti-mamamayang programa nitong Oplan Bayanihan.

Idinadahilan pa ang isyu ng Scarboro at Spratlys para papasukin sa bansa ang mga tropang Kano sa bisa ng Balikatan Exercises at Visiting Forces Agreement gayong ang tunay na interes ng rehimeng US-Aquino ay gawing base militar ang bansa para sa pagpapalawak ng kontrol-militar nito sa Asya-Pasipiko.

Malinaw na walang pagbabago sa ilalim ni Aquino. Kaya ngayong Mayo Uno ay ang araw ng protesta ng manggagawa at buong sambayanan. Tayo ang 99% laban sa 1% sakim! Kabataan, tayo ang tagapagmana ng bukas. Sa gitna ng kahirapan, higit kailangan ang pakikipagkapit-bisig natin sa sambayanan upang isulong ang pagbabagong panlipunan!

IMPERYALISTANG GLOBALISASYON, LABANAN!
NOYNOY, INUTIL SA KARAINGAN NG BAYAN, LABANAN!

 

Para sa mga larawan ng pagkilos ng Timog Katagalugan sa pangunguna ng PAMANTIK-KMU noong Mayo Uno 2012, i-click ito.