BUWAGIN ANG MGA HASYENDA SA BANSA! WAKASAN ANG MONOPOLYO SA LUPA!

ITAKWIL AT LABANAN ANG HASYENDERONG REHIMENG US-AQUINO II!

LUPA PARA SA NAGBUBUNGKAL!

Simbolo ng kasaysayan ng pang-aapi at pagsasamantala sa masang anakpawis ang mahigit 200-taon na  pag-iral ng monopolyo sa lupa ng iilang landlord sa anyo ng sistemang hasyenda habang ang masang magsasaka’y lugmok sa kaapihan at patuloy na biktima ng kawalan o kakulangan ng lupang-masasaka. Larawan ito ng pananatili at lalo pang pagtindi ng kawalan ng pagkakapantay-pantay sa lipunan. Katulad ng mga nagdaang gobyerno, pinakikinabangan at marahas na ipinagtatanggol ng kasalukuyang Rehimeng US-Aquino ang kaayusang ito sa kapinsalaan ng milyun-milyong maralita sa kanayunan at buong sambayanan.

Ang isa sa pinakakilalang hasyenda sa bansa, ang Hacienda Luisita, na kinamkam ng angkan ni Noynoy Aquino ay buhay-na-patunay ng kawalang-katarungan sa loob ng hasyenda at sa lipunang nagpapahintulot sa patuloy na pag-iral nito. Sa halip na lutasin ang usaping agraryo sa kanyang sariling bakuran, naging kapuri-puri pa kay Aquino ang naging desisyon ng Korte Suprema na tumitiyak sa pananatili ng Hacienda Luisita sa kanilang kontrol. Itinakda na ng desisyong ito ng korte ang kahihinatnan ng iba pang kasong agraryo sa bansa.

Kabilang sa mga kasong ito ang mahigit sa 160-usaping agraryo sa rehiyong Timog Katagalugan kung saan tampok ang pangangamkam ng SM Land sa Hacienda Looc sa Nasugbu, Batangas; ng Ayala Land at Highland Properties sa Hacienda Yulo sa Calamba City; ng Eton Properties sa Sta. Rosa City; banta ng pagpapalayas sa mga magsasaka at mamamayan ng Lupang Ramos sa Dasmariñas City; ng Lupang Arienda sa Rizal; ng Hacienda Reyes at Murray sa Bondoc Peninsula; at ng Guevent Industrial Development Corporation sa Pujalte Estate sa Palawan

Sa tala ng Kasama-TK, may 394,884 ektaryang lupang sakahan ang nasasangkot sa iba’t-ibang kaso ng pagpapalit-gamit at pangangamkam ng lupa sa rehiyon. Sa 50-kasong agraryo pa lamang, naitalang 67-panginoong maylupa at 45-real estate developer lamang ang nakikinabang at naghahati-hati sa limpak-limpak na kikitain mula sa mga lupaing ito kumpara sa 156,092 mamamayan na posibleng mapalayas sa kanilang mga sakahan at lupang-panirahan.

Sangkot sa mga kasong nabanggit ang pinakamalalaking panginoong maylupa, burgesya kumprador at dambuhalang land developer gaya ng mga Ayala, Cojuangco, Sy, Tan, Zobel, Roxas, Puyat, Lopez, Yulo, Reyes at Murray – sila ang mga pinakamaiimpluwensyang pamilya sa politika at ekonomya ng bansa.

Habang si Aquino, na ni hindi man lamang nagkunwaring may malasakit sa mga magsasaka, ay nagpakabihasa pa sa pagbubugaw sa mga lupain at likas-yaman ng bansa sa mga dayuhan. Naging masunuring tuta ng mga dayuhang ahensyang pinansyal si Aquino nang ipagwagwagan nitong isasalba ng Public-Private Partnership ang nangaluluging korporasyon ng gobyerno.

Sa ika-21 taon ng pagpapatupad ng Project CALABARZON, lalo pang mag-iibayo ang pagpapalayas sa mga magsasaka sa mga lupang-sakahan lalo na kung maipupuslit sa Kongresong pugad ng mga hasyendero ang pag-amyenda sa mga probisyong ekonomiko ng Saligang Batas. Ang 100% pagmamay-ari ng dayuhan sa mga lupain sa bansa ay katumbas ng pagmasaker sa mga magbubukid nang daang libong ulit na mas marami sa mga pinapaslang ng pamilyang Aquino-Cojuangco sa Hacienda Luisita noong 2004 at sa Mendiola noong 1987.

Huwag nang banggitin pa ang mga magsasakang pinaslang sa ilalim ng mga pasistang kontra-insurhensyang kampanya. Sa kasalukuyan, ipinagpapatuloy ng Rehimeng US-Aquino ang sistematikong  karahasang ito sa balangkas ng Oplan Bayanihan.

Hangga’t nakatayo ang mga hasyenda at iba pang anyo ng monopolyong pagmamay-ari at kontrol sa lupa, lokal man o dayuhan, hindi malulutas ang krisis sa ekonomya sa bansa.  Pinananatili ng kaayusang ito ang pagkaatrasado ng agrikultura at pagkabansot ng pambansang ekonomya (at sa gayon ay ang pananatili ng dayuhang dominasyon) – dahilan upang masadlak sa higit pang papalalang hirap ang buong sambayanan.

Nag-iimbita ng mas matatalas pang komprontasyon at tunggalian ang pagsasawalang-kibo ng rehimeng ito sa mga lehitimong hinaing ng masang anakpawis.

Para sa malawak na maralita sa kanayunan, na kailanman ay hindi nag-ilusyon sa pagbabagong pangako ng Hasyenderong Pangulo – mananagot ang rehimen sa krimen nito sa uring magsasaka at buong sambayanan. Nahihibang ang rehimen kung inaakala nitong laging ang masang magbubukid ang duhagi sa mga bitayan ng Mendiola at Luisita. Nakahanda ang militanteng kilusang magbubukid na isulong at ipagtagumpay ang mas masaklaw at malaganap na pakikibaka para sa tunay na repormang agraryo at demokrasyang bayan.

Makiisa at Lumahok sa mga Pagkilos sa Linggo ng Magbubukid ngayong Oktubre:

Oktubre 17-19, 2001 – Kampuhang Magsasaka | Crossing Calamba City | Bacoor, Cavite | Cainta, Rizal

Oktubre 19 – Protesta ng Mamamayan Laban sa Mapangwasak na Project CALABARZON | Batangas City

Oktubre 20 – Martsa ng Bayan mula Calamba City patungong Sta. Rosa City

Oktubre 21 – Protesta ng Bayan | San Pedro City | Bacoor, Cavite | Cainta, Rizal

LABANAN ANG PAGPAPALIT-GAMIT AT PANGANGAMKAM NG LUPA!

IBASURA ANG CARP Extension with Reforms (CARPER)!

IPAGLABAN ANG PAGSASABATAS NG GENUINE AGRARIAN REFORM BILL (HB 374)!

BIGUIN ANG MAPANUPIL NA OPLAN BAYANIHAN!

IPAGLABAN ANG TUNAY NA REPORMA SA LUPA AT PAMBANSANG INDUSTRIYALISASYON!

MAKIBAKA PARA SA PAMBANSANG KALAYAAN AT DEMOKRASYA!

 

Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan 

Anakpawis Partylist | Samahan at Ugnayan ng Makabayang Magsasakang Kababaihan | Liga at Unyon ng Manggagawang Bukid sa Timog Katagalugan | Pambansang Lakas ng Mamamalakaya sa Pilipinas – Timog Katagalugan | Bigkis at Lakas ng Katutubo sa Timog Katagalugan

 

(Oktubre 6, 2011)


STRIKE BACK!: Defend our right to education

AQUINO, FOUL OUT!

Amid university strikes that spawned a nation-wide protest against education budget cuts last year, President Benigno Aquino III is hell bent this year in allocating sufficient budget for basic social services. He was so determined in abandoning what is socially incontestable right of the people for free and quality education, among other social services that have to be any government’s top priority. Hence, a new round of budget cuts.

Worse, his communications team are throwing the most unbecoming comments towards the students, teachers and school officials who joined the protests such as Abigail Valte who undermined the protesters’ capability to engage in protests intelligently, not only to make their way for a 30-second airtime on the television news program but to show broad and united collectivism of tens of thousands of protesters to demand what is rightfully theirs—right to education. It is this inalienable right that shook the students’ chairs in schools, reminded them of their social obligation outside the four walls of the universities and pushed them to take the militant—unwavering and uncompromising—form of action such as long marches, snake rallies, walkout and strikes. Students were clever, too, in utilizing newer forms of protest—i.e., “pose to oppose budget cuts” in Facebook, mass planking and freeze mob—to send their message through various channels.

Aquino, lest he forgets, pleaded in June 30, 2010 in front of the people—his “bosses”—for participation in nation-building. We participated through various means. He has no right to lounge in the reins of authority if he remains deaf of the aspirations of the people for sufficient state subsidy.

 

STUDENTS REBOUND!

UPLB strikes back on Sept 23, 2011. Photo courtesy of Arkibong Bayan (http://arkibongbayan.org/2011/2011-09Sept23-uplb/uplbvsbcut.htm)

We pledged for strikes and we them a history. The whole world witnessed once again that our activism is alive, that the youth is not swallowed by individualism and self-delusion, that we can see ourselves altogether in one fight.

The strikes can never be taken as token protests that are easily belittled and sandwiched between State illusions of progress. The strikes can never stun our political imagination. These will be constantly remembered, relived and intensified so long as our fundamental rights are trampled upon and disrespected by those who are sanctioned to protect and uphold them.

 

FAST BREAK FOR SUFFICIENT STATE SUBSIDY!

Almost 10,000 student,s teachers, school officials and parents marched to Mendiola on September 23, 2011. Photo courtesy of Arkibong Bayan (http://arkibongbayan.org/2011/2011-09Sept23-uplb/uplbvsbcut.htm)

On Oct. 4 to 6, the Senate will convene to deliberate the budget for state universities and colleges (SUCs). In the midst of lower state funding for SUC not to mention a meager allocation relative to Philippine Association of SUCs’ proposed budget, this is high time to remind our legislators of the strength of our collective action. May the strikes serve as both a challenge and a warning.

Thus, our challenges to the Aquino administration:

1. Re-channel the budget for debt servicing, military spending, dole-outs and pork barrel including the “crocodile” Presidential fund to education and other basic social services like health and housing;

2. Stop the cutbacks on State funding on basic social services, pass a P45-billion budget for SUCs, as proposed by PASUC; and

3. Implement a five-year freeze on tuition increase, rollback unjust and skyrocketing tuition such as the 300% increase in UP and junk all redundant, questionable and unnecessary exorbitant fees as necessary, beneficial and practicable means for immediate economic relief especially after the devastation brought about by the typhoons Pedring and Quiel.

And thus, our warning: intensified and sustained campus occupations and operation stoppage if the Aquino government remains deaf of our just call for sufficient State funding for social services—hundreds of thousands marching to Mendiola, to Batasan, to EDSA, clapping and shouting and acting for genuine social change.

 

STRIKE BACK AGAINST BUDGET CUTS!

FIGHT FOR A PRO-PEOPLE NATIONAL BUDGET!

ASSERT FOR SUFFICIENT STATE SUBSIDY

on education and other basic social services!

 

10.04.11            4pm, humsteps, UP Los Banos

10am, Day of action, Senate

 

 

SAVE OUR EDUCATION MOVEMENT

PRIMARY CONVENORS:

ANAKBAYAN-SOUTHERN TAGALOG | COLLEGE EDITORS’GUILD OF THE PHILIPPINES-SOUTHERN TAGALOG | NATIONAL UNION OF STUDENTS OF THE PHILIPPINES-SOUTHERN TAGALOG | KABATAAN PARTYLIST-SOUTHERN TAGALOG | SOUTHERN TAGALOG CULTURAL NETWORK | SAMAHAN NG KABATAAN PARA SA BAYAN (SAKBAYAN) | KULTURAN UGNAYAN NG KABATAAN ALY SA BAYAN | KATIPUNAN NG SANGGUNIANG MAG-AARAL SA UP-UPLB | ALL UP WORKERS’UNION  and almost 50 student councils and publications in Southern Tagalog