NASA PIITAN ANG MGA PAG-ASA NG BAYAN!



Kasabay ng pagdiriwang ng ika-150 kaarawan ni Gat Jose Rizal, nagpasinaya ang Lungsod ng Calamba at si Noynoy Aquino ng isang monumento ni Rizal na ginastusan ng P80 milyon. Sa halip na magbunyi sa pinakamataas na rebulto ni Rizal, minarapat ng limang estudyante ng UP Los Banos na magprotesta sa pagkadusta ng kabataang itinuring ni Rizal na mga pag-asa ng bayan.

Sa ngalan ng 7.93 milyong kabataang hindi nakapasok sa elementarya at hayskul ngayong pasukan at upang basagin ang ilusyon ng pagbabago sa rehimeng US-Aquino, militanteng isinigaw ng limang estudyanteng ito ang: “Walang pagbabago sa ilalim ni Aquino!” sa harap mismo ng papet na pangulo.

Ngunit kinitil ng rehimeng US-Aquino ang demokrasya sa araw mismo ng kaarawan ng pambansang bayani. Dinampot, kinaladkad at iligal na ikinulong ang limang kabataan. Sa kasalukuyan halos 44 oras nang nakaditine sina:

YNIK ANTE, BS Development Communication ’08. Kasapi: Kabataan Partylist, UPLB Development Communicators’ Society at Umalohokan, Inc. Councilor: Konseho ng Mag-aaral.

 

Michael Jason Mozo, BS Chemical Engineering ’07.

 Kasapi: Anakbayan-UPLB, UPLB Engineeing Students’ Society, Kabataang Partylist, UPLB Kulturang Ugnayan ng Kabataan Alay sa Bayan (UPLB KULAYAN) at UPLB Photographers’ Society.

Ruffa Solano, BS Nutrition ’08. Kasapi: Red Cross Youth-UPLB, Sorsoguenos, KARMA Kolektib, Kabataan Partylist at National Union of Students of the Philippines.

 

Catherine Gigantone, BS Food Technology ’06.

Kasapi: Gabriela Youth-UPLB, UPLB KULAYAN at Kabataan Partylist.

Bhen Aguihon, MS Community Development, BS Human Ecology ’06. Kasapi: League of Filipino Students-UPLB, UPLB Oikos, Kabataan Partylist at National Union of Students of the Philippines, Kapatirang Plebeians UPLB Curia.

Kasama nila ang dalawa pang manggagawa na sina Joeffrey Barreto at Rodel Badayos ng Anakpawis Partylist.

Kinasuhan ng mga pulisya ang mga kinilala bilang Calamba 7, kung saan bahagi ang UPLB 5, ng Public Disturbance and Tumult sa kabila ng kawalan ng basehan para sa kasong ito.

Kung nabubuhay si Rizal sa ating panahon, tiyak na hindi siya makapapayag sa ganitong bayolenteng realidad!

Mas masahol pa kung tutuusin ang rehimeng US-Aquino kaysa sa sinundan nitong rehimeng Gloria Arroyo. Maliban sa pag-aresto sa CALAMBA 7, kaliwa’t kanan ang mga paglabag sa karapatang pantao.

Wala pang isang taon sa estado-poder, 45 na ang biktima ng pampulitikang pamamaslang, 14 dito ang galing sa rehiyong Timog Katagalugan, ayon sa Karapatan Human Rights Alliance. At kabaliktaran ng sinasabi ni Aquino, wala pa ni isa ang signipikanteng nareresolba sa mga kaso ng paglabas sa kaparapatang-pantao. Kahit si Gloria Arroyo ay wala pang pinagbabayaran at hindi pa napapanagot ng rehimeng Aquino.

Sa ganitong kalagayan, lagi’t laging makatatagpo ang kabataan ng dahilan upang magpahayag ng disgusto at maghangad ng panlipunang pagbabago. Sa ilalim ng administrasyon ni Noynoy Aquino, ang pagkilos ng kabataan ay kidlat pa ring nagpupumiglas.

Habang karaniwan ang paglaban para sa mga batayang karapatan mula sa libu-libong kabataang makabayan, ang bawat pagkilos ay karaniwang ding sasagutin ng pasismo ng naghaharing uring nasa kapangyarihan.

Hindi tayo makapapayag sa ganitong kaayusan. Hayaan nating ang ating galit ang magsilbing ating armas, tulad ng milyun-milyong martir at bayani na nagbuwis ng buhay para sa inang bayang ginagahasa ng paglabag sa ating mga kaparatan.

BASAGIN ANG ILUSYON NG PAGBABAGO SA REHIMENG US-AQUINO!

ISULONG ANG PAMBANSANG DEMOKRASYA!

Picket protest | Calamba Police Station | June 21 | Assembly @11am | Hum steps

 

Like Facebook’s “Free the Calamba 7” fanpage

For inquiries and support (in kind or in cash), please contact Allen (09272771096)



We know you want to speak up. Share your insights here...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s