On K to 12 first week: Southern Tagalog youth groups launch ‘K-12 Watch’ in Los Baños

June 11, 2012

Led by Kabataan Party-list, youth groups launch “K-12 Watch” in Southern Tagalog schools today as they claim that “(K to 12) has wreak havoc in elementary and high schools after a week of implementation.”

The groups affiliated with Kabataan Party-list, League of Filipino Students-UPLB, Anakbayan-Southern Tagalog and Gabriela Youth-UPLB aims to gather starting today feedbacks through a “K-12 Watch Roving Bulletin Board” at Lopez Elementary School in Los Banos, Laguna where parents, pupils, teachers and other concerned post their feedback on the first week of implementation of the K-12 policy.

They also invited high school students, parents and teachers in their “iPose against K-12” photo booth at Los Baños National High School main campus where they pose for a photo with the “No to K-12” thought bubble placards. The group said they will upload the photos on the No to K-12 Alliance Facebook page.

Meanwhile, they launched in Southern Tagalog a more serious signature campaign for the “1.2 million signatures against K-12” campaign. Allen Lemence, spokesperson of LFS-UPLB, said that they will submit the said signature campaign to the House of Representatives through its youth solon Raymond Palatino of Kabataan Partylist.

“We are receiving reports that K to 12 caused heavy burdens to the pupils and students and their parents as well as to the teachers and school administrators. Now, we would like to formalize that into a campaign to finally oppose and call for the junking of the K to 12 program,” Lemence said.

The groups received information that K to 12 has caused confusion among the teachers as to what to teach on the new curriculum. Meanwhile, they also received feedback from parents that they were convinced that the K to 12 program will only give them heavy expenses.

He also stressed that their activities today are just the start of a series of activities that would tackle the worsening state of education and the youth in the region and how they reflect the national situation under the administration of Pres. Benigno Simeon Aquino III.

The group aims to encourage the participation of students, parents, educators, and other concerned parties in open discussions on the status of the first week of implementation of the K-12 curriculum in both elementary and secondary schools in Southern Tagalog to reaffirm the group’s stand against the policy.

“We stressed that this K to 12 program is a pro-imperialist and anti-people policy. The questions to be asked should not only ‘are we ready?’ or ‘how can we make K to 12 work?’ But rather we should question and expose the reason behind its implementation—that this program is yet another manifestation of Aquino’s puppetry to the foreign multi-national corporations,” Lemence pointed out as he also stressed that the K to 12 program is not an education policy per se but a labor export policy.

 

7:00 AM – 11:30 AM

K-12 Watch Roving Bulletin Board (Lopez Elementary School, Lopez Ave., Los Baños, Laguna)

11:30 AM – 2:30 PM

iPose against K-12 Photo Booth

Los Baños National High School, Batong Malake, Los Baños, Laguna

 

RELATED ACTIVITIES:

June 12    Independence Day mobilization

June 13    UP Los Baños class opening mobilization

June 19    Kabataan Partylist anniversary voters’ registration and education campaign | Rizal Day celebration

July 4       Filipino-American Friendship Day mobilization

July 7       State of the Youth Address – Laguna

July 14     State of the Youth Address – Quezon

July 15     State of the Youth Address – Cavite

July 18     State of the Youth Address – Romblon

July 21     State of the Youth Address – Batangas


Ilang Mahahalagang Punto Laban sa Programang K-12 ng Administrasyong Aquino

Ang K-12 (kinder to grade 12) ay isang programang naglalayong palitan ang kurikulum ng elementarya at sekuundaryang edukasyon sa Pilipinas at dagdagan ito ng dalawang taon. Noong nakaraang taon, inumpisahan ang programa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng universal kindergarten. Ngayong Hunyo naman ay uumpisahan na ang bagong kurikulum para sa mga mag-aaral na papasok ng grade 1 at first year high school na ngayon ay tinatawag na grade 7.

Ayon sa Department of Education (DepEd), ang K-12 umano ang solusyon ng administrasyon ng Pang. Benigno S. Aquino III sa lumalalang krisis sa edukasyon. Gayunpaman, mariin itong tinututulan ng mga kabataan, mag-aaral, guro, kawani, magulang at ng buong komunidad dahil sa kawalan ng programa ng makabuluhang batayan at sapat na paghahanda at panustos ng gobyerno para rito. Ang hilaw na pagpapatupad ng K-12 ay maaaring makapagpalala pa ng sitwasyon.

Narito ang ilan sa mga batayan ng DepEd sa pagpapatupad ng K-12 at ang ating paglalantad sa kahungkagan ng programang ito:

I. Ayon sa DepEd: Ang K-12 ang solusyon sa dumaraming bilang ng out-of-school youth.

Sa katunayan: Ang pangunahing dahilan ng pagdami ng out-of-school youth ay ang kakulangan ng pantustos sa pag-aaral. Batay sa pag-aaral ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), tinatayang gagastos ng P12,090 ang bawat pamilya para tustutusan ang pag-aaral ng isang miyembro sa bawat karagdagang taon sa K-12. Kabilang sa mga gastusin ang pamasahe, baon, gamit sa eskwela at iba pa. Mabigat ang halagang ito na pinapalala pa ng nagtataasang presyo ng mga bilihin at ang mababang pasahod sa mga manggagawa lalo na’t tahasan nang tinalikuran ng Pang. Aquino ang panawagan sa P125 across-the-board nationwide dagdag-sahod.

II. Ayon sa DepEd: Solusyon daw ang K-12 sa bumababang marka ng mga mag-aaral sa elementarya at sekundarya.

Sa katunayan: Hindi solusyon ang karagdagang taon sa pag-aaral sa humihinang kalidad ng batayang edukasyon. Ayon mismo sa resulta ng Trends in International Mathematics and Science Studies, maraming bansa na may 10 taong batayang edukasyon o mas maiksi, tulad ng South Korea at Singapore, ang nakakuha ng pinakamatataas na marka. Ilang mga bansa naman na may programang K-12, tulad ng Chile at Saudi Arabia, ay nakakuha ng mababang marka. Pinapakita nito na sa halip na karagdagang taon sa batayang edukasyon, ang tunay na makakapagpataas ng kalidad ng edukasyon sa bansa ay ang mataas na budget para sa maayos na gamit, libro at iba pang pasilidad, at gayundin ang mataas na pasahod sa mga guro at kawani.

III. Ayon sa DepEd: May sapat na rekursong nakalaan para sa pagpapatupad ng K-12.

Sa katunayan: Ayon sa pag-aaral ng ACT, ang mga pampublikong paaralan sa bansa ay nakakaranas ng 182,483 kakulangan sa mga guro, 97,685 kakulangan sa mga silid-aralan, at 153,709 kakulangan sa palikuran.  Naglaan lamang ang Department of Budget Management ng P259.25 B para sa 2013 gayong ang pangangailangan sa edukasyon ay tinatayang aabot sa P338.20 B. Ang mismong United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang nag-aatas sa ating gobyerno na maglaan ng anim na porsyento ng kita nito para sa edukasyon subalit hanggang ngayon ay nanatiling tatlong porsyento lamang ang inilalaan ng administrasyong Aquino para sa batayang edukasyon at sa kolehiyo. Muli, hindi solusyon ang K-12. Ang tunay na solusyon ay ang pagpapahalaga ng gobyerno sa edukasyon at paglalaan ng pondo para rito.

IV. Ayon sa DepEd: Sa pamamagitan ng K-12, hindi na kailangan ng mga kabataang magtapos ng kolehiyo para magkaroon ng trabaho.

Sa katunayan: Baluktot at elitista ang katwirang ito. Pinapatunayan nito na ang karapatan ng mga kabataang makapag-aaral sa kolehiyo, makapili ng propesyon at magkaroon ng oportunidad para matulungan ang kanilang pamilya na umasenso sa buhay ay itinuturing na pribilehiyo lamang ng may kakayahang makapagbayad ng matrikula sa kolehiyo. Kung wala ka nito, sisiguruhin ng K-12 na makapag-aral na lamang ng bokasyunal at teknikal kahit hindi ito ang iyong nais, para sa pagtatapos ng sekundarya ay maaari nang maghanapbuhay. Dagdag pa, sa K-12, inaasahang magtatapos ang mga mag-aaral sa edad na 18—legal na edad para makapag-trabaho. Maliban dito, hindi rin nasosolusyunan ang kawalan ng trabaho ng mga kabataang nakapagtapos ng kolehiyo. Ayon sa pag-aaral, humigit-kumulang na 461,000 Pilipinong nagsipagtapos ng kolehiyo noong taong 2008 ang walang trabaho.

V. Ayon sa DepEd: Ang mga nagsisipagtapos sa programang K-12 ay maari nang ituring na mga propesyunal at may mataas na pinag-aaralan sa ibayong-dagat.

Sa katunayan: Walang kabuluhan ang argumentong ito. Malisyoso nitong itinutulak ang mga kabataan na mangibang-bansa imbis na hikayatin ang mga ito na maglingkod sa sariling bayan. Hindi masisisi ang mga kabataang piniling iwan ang kanilang mga pamilya upang mabigyan sila ng mas maginhawang buhay na ipinagkakait sa kanila sa sariling bayan. Subalit responsibilidad ng gobyerno na lumikha ng mga programang pang-ekonomiya kung saan hindi na kakailanganin pa ng ating mga kabataan ang lisanin ang bansa para maghanapbuhay. Ang K-12 ay panakip-butas at palusot lamang ng gobyerno sa kawalan nito ng kakayahang lumikha ng balangkas para sa pambansang industriyalisasyon kung saan ang ating bansa mismo ang makikinabang sa ating lakas-paggawa imbis na mga dayuhang nagpapakasasa sa mababang pasahod sa ating mga kababayang overseas Filipino workers. Resulta rin nito ang papalalang brain drain kung saan kinakapos na tayo sa mga propesyunal at mga skilled workers na siya sanang magtataguyod ng ating bayan.

VI. Ayon sa DepEd: Lubos na ang naging pag-aaral at paghahanda para ipatupad ang K-12 ngayong taon.

Sa katunayan: Wala pang ligal na batayan ang pagpapatupad ng K-12 ngayong taon. Kamakailan lamang sinimulang madaliin sa Kongreso ang pag-aamyenda sa “Education Act of 1982” subalit ngayon ay ipinapatupad na ang bagong programa.

Ang edukasyon ay isa sa mga armas natin para mapaunlad ang bayan. Ang K-12 ay nakadisenyo upang pagsilbihan ang mga dayuhang mamumuhunan na ang tanging interes ay magkamal ng tubo mula sa kanilang natitipid sa ating murang lakas-paggawa. Walang makabuluhang pagbabago ang makakamit  sa pagdaragdag ng taon at pagpapalit ng nilalaman ng kurikulum sa batayang edukasyon kung ang mga ito ay hindi nilalangkapan ng makabayan, makamasa at siyentipikong adhikain.

Kaya naman dapat magkaisa ang hanay ng mga kabataan, estudyante, guro, kawani, administrador, at ang buong komunidad upang tutulan ang huwad na programang K-12. Narito ang ilan sa mga hakbang upang mapagtagumpayan natin ang ating laban:

  1. Maglunsad ng mga pag-aaral at serye ng talakayan hinggil sa K-12 upang mas marami pa ang makaalam kung bakit nararapat itong labanan.
  2. Ipahayag sa iba’t ibang porma ang pagtutol sa K-12. Ang pinagsama-samang boses ng mamamayan ang maaaring lumikha ng pwersang pipilit sa gobyernong ihinto ang pagpapatupad nito.
  3. Lumahok at magpalahok sa “No to K-12 Alliance”. Kung mas marami tayong kikilos, mas mapapabilis ang ating tagumpay.
  4. Dumalo at magpadalo sa iba’t ibang tipo ng pagkilos laban sa K-12. Gawing malikhain ang mga pagkilos upang makapanghamig ng mas malawak na hanay ng mamamayan.
  5. Pumirma at magpapirma sa “1.2 milyong pirma kontra K to 12 ni Aquino”, isang petisyong ipapasa natin sa ating mga mambabatas hanggang maparating ito sa Malacañang.

Ipagpatuloy natin ang ating pakikipaglaban para sa libre at de-kalidad na edukasyon—edukasyong naglilingkod sa kapwa Pilipino!


Biguin ang Kontra-mamamayang K+12 ng rehimeng US-Aquino! — League of Filipino Students

A statement from LFS’ official website.

 

Sa pagbubukas ng pasukan ngayong Hunyo ay problema na naman ng mga magulang kung saan huhugot ng pera pangtustos sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Bukod dito, dadagdag pa sa kanilang problema ang implementasyon ng programang K+12 ng administrasyong Aquino ngayong taon.

Ang K+12 ay programang pang-edukasyon na nangangahulugan na bawat bata ay dumaan sa Kindergarten, ang unang apat na taon ay tatawaging Junior Highschool at ang karagdagang 2 taon pa ay tatawaging Senior Highschool, kung saan ang 2 taong ito ay maglalako ng Vocational-Technical courses (baking, welding, cosmetics, automotive, etc). Pinagmamayabang ng inutil na Pangulo na ang K+12 ang lulutas sa krisis ng edukasyon at disempleyo sa bansa. Ngunit kung susuriin nang mabuti ay malinaw na hindi ganito ang kaso.

Dagdag taon, dagdag pahirap
Sa kasalukuyang kalagayang binabarat ang sahod ng mga manggagawa at mataas ang presyo ng langis at ibang produkto, ang karagdagang taon sa batayang edukasyon ay nangangahulugan ng dagdag gastusin para sa mga mag-aaral at kanilang mga magulang. Ang dalawang karagdagang taon ay nangangahulugan ng karagdagang gastos para sa school supplies, baon, pamasahe, at mga proyekto sa paaralan. Ibig sabihin nito ay mababawasan ang badyet ng pamilya para sana sa pambayad-kuryente, pagkain sa araw-araw, at iba pang bilihin. Kalaunan ay mababawasan din ang mga hindi makakapagtapos ng pag-aaral dahil sa kahirapang dulot ng dagdag dalawang taon na ito. Sa bahagi ng gobyerno ay nangangailangan din ng karagdagang gastos para tustusan ang mga pangangailangan sa sektor ng edukasyon. Sa kasalukuyan, may kakulangan na ng 97, 685 silid-paaralan at 132, 483 guro sa buong kapuluan. Ngunit dahil mas pinipili ng gobyerno na laanan ng pondo ang pambayad utang-panlabas at militarisasyon, hindi pa rin maresolbahan ang matagal nang problema ng edukasyon sa bansa. Ang hindi pagkalutas sa mga problemang ito ng pamahalaan sa matagal na panahon ay nagpapakita na walang puwang sa sistema ng edukasyon ang K+12 at iba pang dagdag gastos.

K+12 ni Aquino, para kanino?
Sinasabi rin ng administrasyong Aquino na ang K+12 ang lulutas sa usapin ng malawakang disempleyo sa bansa. Dahil daw sa karagdagang 2 taon, magtatapos ng hayskul ang mga kabataan pagtungtong ng edad 18 at kung gayon ay nasa legal nang edad para maghanap ng trabaho. Kabulaanan ito dahil kalakhan ng mga trabaho ay nangangailangan pa rin ng diploma ng pagtatapos sa kolehiyo bago ituring na propesyunal ang isang empleyado. Kung tutuusin nga, maging ang mga tapos mismo ng kolehiyo ay nahihirapan din sa paghahanap ng trabaho sa bansa. Mananatili lang ang kalagayan kung saan mamamasukan ang mga kabataang ito bilang mga kontraktwal na trabahador.

Sa kabilang banda, mas madali rin umano makakahanap ng trabaho sa ibang bansa ang mga gradweyt dahil ang K+12 ay sang-ayon sa kurikulum ng ibang bansa. Ang ganitong kaisipan ay malinaw na pinapakitang tinutulak ng gobyernong ito na magpaalipin na lang ang mga kabataan sa dayuhang kumpanya sa halip na maglingkod sa sariling bayan at malapit sa kani-kanilang pamilya.

Kontrahin ang K+12!
Napatunayan ng pagsulpot ng dati nang problema ng mga siksikang sild-aralan at kulang na mga pasilidad na mas nangangailangan pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang paglutas sa mga ito sa halip na ipatupad ang programang tulad ng K+12. Sa panimulang pagbubukas ng klase ngayong Hunyo 4, tumambad sa buong publiko ang kalunus-lunos na kalagayan ng mga mag-aaral sa elementary at hayskul. Tampok dito ang mga nagsisiksikang estudyante sa isang classroom, na kung saan nagresulta para isailalim ang mga ito sa ‘homestudy’ program. Ang ilan pa nga ay ginawang 3 shift ang mga klase.

At sa malaon pa, ipanawagan ang mataas na badyet sa edukasyon. Tanging sa sama-sama at solidong pagkilos ng kabataan at mamamayan makakamit ang isang siyentipiko, makamasa, at makabayang porma ng edukasyon!

EDUKASYON, KARAPATAN NG MAMAMAYAN!

ITAAS ANG BADYET SA EDUKASYON!

TUTULAN ANG K+12 NG REHIMENG US-AQUINO!

ISULONG ANG MAKAMASA, SIYENTIPIKO, AT MAKABAYANG EDUKASYON!

 


Labanan ang anti-mamamayan at maka-dayuhang K to 12 program ni Aquino!